Chloe San Jose (left photo, with boyfriend Carlos Yulo) to Mark Andrew Yulo (right photo, with wife Angelica Yulo): “kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year…” The Tita Angge she refers to is Angelica Yulo.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
Hindi pa rin humuhupa ang alitan sa pagitan ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang pamilya.
Makalipas ang ilang linggong pananahimik ng magkabilang kampo, muling nagliyab ang isyu dahil sa komento ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo sa magkahiwalay na social media posts tungkol sa champion gymnast.
Bunsod nito, tila hindi na rin nakapagpigil ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na sumagot sa ama ng nobyo.
Sa Facebook nitong hapon ng Miyerkules, September 4, 2024, nag-post ang two-time Paris Olympics gold medalist ng bagong update sa kanyang pupuntahan.
Babalik si Carlos sa Paris, France, para suportahan ang mga atletang lumalaban sa Paris Paralympics 2024.
Sabi ng champion gymnast sa caption (published as is): “Embarking on the journey to meet alike athletes that ‘started’ their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!
“Toyota Motor Philippines #TeamToyota #ParalympicGames #Paris2024 #StartYourImpossible #OneTeamAsia”
Dito ay nagkomento ang ama ni Carlos na si Mark na proud siya sa “narating” ng anak.
Pero kasunod nito ay nagsabing dapat itong mag-sorry sa inang si Angelica Yulo na nasaktan nang sabihan niya itong “magnanakaw.”
Komento ng ama ni Carlos: “Masaya ako sa narating mo nak Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo”
Nauna na itong sinabi ni Mark sa Facebook post ng ABS-CBN News tungkol kay Carlos kahapon.
Read more about
Chloe San Jose
Carlos Yulo
Mark Andrew Yulo
Komento niya (published as is): “Dapat matuto siyang mag sorry sa kanyang nanay na Mali ang Ang sabihan nya ang kanyang nanay na mag nanakaw para gumanda ang kanyang imahen”
CHLOE SAN JOSE: “sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa”
Isa sa mga sumagot sa komento ni Mark ay si Chloe.
Alam daw ni Chloe na hindi si Mark ang nagkomento sa post ni Carlos.
Tila ipinapahiwatig ng nobya ni Carlos na may ibang gumamit ng Facebook account ni Mark at ito ang nagkomento sa post tungkol sa Olympic champion.
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Chloe, pero dahil tila gusto raw ng nagkomento na ilabas sa publiko ang kanilang hidwaan, sana ay sabihin din nitong “sinumpa” ng tinawag niyang “Tita Angge” si Carlos bago ito sumabak sa Paris Olympics 2024.
Ang “Tita Angge” na tinutukoy nito ay ang ina ni Carlos na si Angelica, ang ina ni Caloy.
Sabi ni Chloe sa ama ni Carlos: “pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito.
“pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year… :))”
Ayon pa kay Chloe, may binitawan pa umanong salita si Angelica na “hinding hindi na mananalo si caloy” sa laban.
Aniya, “sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy”
Pero bago raw lumipad si Carlos papuntang Paris Olympics ay nagbilin ng magagandang salita ang kanyang amang si Mark.
Saad ni Chloe, “kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay.
“dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila.”
Ayon pa kay Chloe, matagal at ilang beses na umano silang nag-sorry ni Carlos at sinubukang makipag-usap, pero walang nangyari.
Sinabi rin ng girlfriend ni Carlos na “nakapagpatawad” na sila.
Umaasa raw siyang magkakaayos din silang lahat sa takdang panahon.
Pahayag ni Chloe” “matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sainyong lahat, pero bakit po ganito?
“pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po.
“godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM”
Wala pang sagot si Mark sa komento ni Chloe.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi boto ang pamilya ni Carlos sa relasyon ng gymanst kay Chloe.
News
Ai-Ai Delas Alas NAGSALITA NA sa HIWALAYAN NILA ng ASAWA NA si Gerald Sibayan!
Ai-Ai Delas Alas Nagsalita na sa Hiwalayan Nila ni Gerald Sibayan: Ano nga ba ang Totoong Dahilan? Ginamit nga lang ba si Miss Ai-Ai sa Pag-aaral? Alamin! Mainit na pinag-uusapan ngayon ang hiwalayan ng komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas at…
ALDEN RICHARDS LILIPAT NA NG ABS CBAN DAHIL KAY KATHRYN BERNARDO GAANO KATOTOO ITO!FACTCHECK!
Kamakailan ay kumalat ang balitang lilipat umano si Alden Richards sa ABS-CBN dahil sa kanyang malapit na pagkakaibigan at madalas na pagkakatrabaho kay Kathryn Bernardo. Matatandaang nagkaroon sila ng proyekto noong 2019 sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na naging box-office…
LJ Reyes BINANATAN si Yen Santos NA SIYA ang UNANG ng AGAW kay Paolo Contis!
LJ Reyes, BINANATAN si Yen Santos: “Siya ang Unang Nang-agaw kay Paolo Contis!” Patama Raw ng Aktres Matapos ang Isyu kay Arra San Agustin Mainit na usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang tila pagbato ng patama ni LJ Reyes…
🔴 Ganito ka sweet si Alden Kay Kathryn pag umaalis sila! • kathden live today!
Ganito Ka-Sweet si Alden Richards Kay Kathryn Bernardo: Sweet Moments ng KathDen Pag Umaalis Sila, Kinakikiligan ng Fans! Usap-usapan ngayon sa social media ang walang katapusang kilig na hatid ng tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo, na kilala bilang “KathDen.”…
ALDEN RICHARDS|KATHRYN BERNARDO VENDICATED NA DAHIL SA BALITANG ITO!KATHDEN LANG
Alden Richards at Kathryn Bernardo, VINDICATED! KathDen Fans Kilig na Kilig sa Balitang Ito; Sue Ramirez Nagsalita na Tungkol sa Estado ng Relasyon kay Dominic Roque Matapos ang Isyu ng Paghalik! Matapos ang sunod-sunod na kontrobersya at espekulasyon tungkol sa…
😭 JMFYANG SPOTTED NAGYAYAKAPAN SA HARAP NG FANS JAS NAILANG NG MAKITA ANG DALAWA‼️
Isang nakakakilig na eksena ang nasaksihan ng mga fans kamakailan nang makita sina JM de Guzman at Fumiya Sankai na nagyakapan sa harap ng publiko. Ang hindi inaasahang tagpo ay naganap sa isang fan meet event na ginanap sa isang…
End of content
No more pages to load