Mina-manifest ng followers ni Liza Soberano na sa aktres mapunta ang role na Wonder Girl o Donna Troy na isa sa mga bida sa ‘Teen Titans’.
Napabalita kasi last week na sinisimulan na ni Ana Nogueira ang pagsulat ng screenplay (script) ng live-action movie version ng sikat na comic book na naging phenomenal hit na animated series.
Hindi rin magtatagal ay magsisimula na ang audition nito para sa mga artistang gaganap sa mga sikat na characters ng DC live-action movie.
Dahil sa balitang ito ay nagsimula na ngang mag-ingay sa online world ang mga supporters ng Pinay Hollywood star.
Sa comics illustration kasi ni Wonder Girl/Donna Troy ay nakilala siyang may mahabang itim na buhok. Kahawig ni Liza ang face nito sa comic version kaya siguro malaki ang pananalig ng fans na dapat ang idolo nila ang gumanap sa movie version ng nasabing character.
Komento nga ng isang netizen, “Liza is not new to action. She can nail Wonder Girl/Troia/Donna Troy. May napatunayan na siya sa Bagani.”
Pinost rin ng fan ang photo ni Liza na naka-costume at may dalang bow and arrow.
Ang ‘Bagani’ ay ang fantasy-action series na ginawa ng aktres sa ABS-CBN noong 2018. Dito unang hinangaan ang aktres dahil sa husay niya sa action scenes.
Nabulabog din ang fans ng nasabing DC teen characters worldwide at kanya-kanya silang suggestion kung sino-sino ang mga artistang bagay na gumanap sa ‘Teen Titans’.
Ang tanong, mapansin kaya ng producers ang ginagawang pag-iingay ng Pinoy fans ni Liza?
Bet din kaya ng aktres ang nasabing role? Super action-packed ang ‘Teen Titans’. Hindi ba naaksidente na si Liza habang nagte-training para sa mga stunts niya sana as Darna?
Oh well, mukhang marami pa ang pwedeng mangyari habang hindi pa nagsisimula ang shooting ng nasabing movie.
Sana nga mapunta kay Liza ang role na Wonder Girl. ‘Pag nangyari ito, siguradong aangat na talaga ng bonggang-bongga ang pangalan ng aktres sa Hollywood.
‘Yun na!
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load