Sinabi ni Paulo na mahalaga ang pagiging propesyonal sa trabaho at hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pag-ibig sa taong katrabaho. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, “It is always be professional. I know in some cases you can’t help but fall in love with someone in your workplace. But maybe just choose an appropriate setting.”

Nabanggit naman ni Kim na maaaring mahirapan siyang mag-focus sa trabaho kung sakaling magkakaroon sila ng relasyon ng kanilang katrabaho. Aniya, “Hindi maiwasan ang ganun lalo na kung magkakilala kayo. Ilang oras, isang araw, siya lang kausap mo. Siguro magsuffer work, baka hindi ka makapagconcentrate sa work. Mas priority yung trabaho.”

Matapos ang matagumpay na pagsasama nila sa Linlang, muling magsasama sa “What’s Wrong with Secretary Kim” sina KimPau na magsisimula sa March 18, 2024, sa Viu, Philippines.

Panoorin ang trailer ng “What’s Wrong with Secretary Kim”.