May dalawang pagkakataong nasubok ang relasyon ng magkasintahang sina Kathryn Bernardo, 24, at Daniel Padilla, 25.

At dumating din ang puntong muntik nang sumuko si Daniel sa relasyon nila ni Kathryn.

Ito ang ibinahagi ng sikat na ABS-CBN love team at real-life sweethearts na kilala rin sa tawag na KathNiel.

Nagpakatotoo ang dalawa nang matanong kung may mga pagkakataon bang napagod sila at gusto nang sumuko sa kanilang pagsasama.

Kathniel sweet kathniel interview kathniel magandang buhay

Pag-amin ni Kathryn, “Of course. Just like any relationships, dumaan kami diyan sa point na ‘yan.”

Dalawang beses daw itong nangyari sa loob ng walong taon nilang pagsasama.

Sabi ng aktres, “Hindi ko alam kung yun yung ika-third or fourth year… yun yung una.”

Hindi idinetalye ni Kathryn kung anong hamon ang kinaharap nila ni Daniel.

Ang sumunod daw ay noong 2019 lang nangyari.

“Tapos yung ika-seventh year, yung seven-year itch, ibang issue naman yun.

“Totoo siya,” sabi ng dalaga.

Sinasabing dumadaan sa “seven-year itch” ang relasyon kapag tumatabang na ang pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos ng pitong taong pagsasama.

Sabi ni Kathryn, “So dumaan and parang dadating yun sa relationship, kasi mag-e-eight years na kami.

“Tapos may dadating talaga na problema na magte-test sa inyong dalawa, so dun na-test.”

kathniel selfie

Sabi naman ni Daniel, “Marami na kaming away ni Kathryn na talagang away rin talaga.

 

“And ako, sa parte ko, parang meron na akong… alam mo yung pagkakataon ko na tumalikod at umalis, e.

“Pero tatalikod man ako, after five minutes babalik din ako, e.

“Kasi, parang ang love kasi sa akin, kailangan ko siyang alagaan, e. We have to let it grow.

“Para siyang halaman, di ba, kailangan mo siyang mahalin.”

Sinabi rin ni Daniel ang dahilan kung bakit hindi niya kayang isuko ang relasyon nila ni Kathryn.

Aniya, “Baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito ulit.”

Ibinahagi ito nina Kathryn at Daniel sa ABS-CBN online entertainment show na I Feel U, nitong March 31, Linggo.