Carlos Yulo, Hindi Kinuha Bilang Endorser ng Jollibee? Matapos ang Bantang Boycott

Usap-usapan ngayon sa social media ang isyung hindi kinuha bilang endorser ng **Jollibee** ang dalawang beses na Olympic gold medalist na si **Carlos Yulo**, sa kabila ng lumabas na mga litrato niya kasama ang mga opisyal ng sikat na fast food chain.

Nag-ugat ang kontrobersya nang mag-isip ang ilang netizens na isa na si Carlos sa mga bagong endorser ng brand matapos makita ang mga larawan mula sa isang event. Dahil dito, umani ng reaksyon ang mga netizens, at ang iba ay nagbantang mag-boycott ng nasabing brand. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng bantang boycott, ngunit naging sapat ito para hindi maging opisyal na endorser si Carlos.

Carlos Yulo Hindi Kinuhang Endorser Ng Jollibee, Matapos Ang Bantang  Boycott.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa parehong kampo ni Carlos Yulo at ng Jollibee tungkol sa tunay na dahilan ng hindi pagkakaroon ng endorsement deal.