Jadine, Coco-Maja, who shouted the loudest during the Kapamilya Krismas 3 event?

Dalawang beses nag-kiss sina James Reid at Nadine Lustre nang matalo si Albie Casino sa dance showdown na ginanap bilang bahagi ng Kapamilya Krismas 3 event.

Isa ito sa mga highlights ng star-studded event ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, noong Linggo, November 22, sa Trinoma Mindanao Open Parking.

Ayon sa organizers, umabot sa 20,000 ang crowd estimate na dumagsa sa naturang Kapamilya Krismas 3.

Tampok dito ang mga bida at iba pang cast members ng tatlong Kapamilya teleseryes sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape: FPJ’s Ang Probinsyano, On The Wings Of Love, at ang afternoon soap opera na Doble Kara.

Nagkakaisa ang mga dumalong Kapamilya stars sa pagsasabi ng, “Thank you for the love!” sa mga fans at supporters nila na pumunta sa naturang event bilang pasasalamat sa tagumpay na tinatamasa ng kanilang mga kinabibilangang teleserye.

Coco Martin responds to rumors about exit of Maja Salvador from Ang  Probinsyano | PEP.ph

Parte ito ng Thank You For The Love campaign at maagang Pamaskong handog ng ABS-CBN at Dreamscape.

Pinangunahan ni Coco Martin ang cast ng Ang Probinsyano, kasama sina Maja Salvador, Simon Pineda aka Onyok, Arjo Atayde, Bela Padilla, Agot Isidro, Richard Yap, Pepe Herrera, Marvin Yap, at Tart Carlos.

Kasama naman nina James Reid at Nadine Lustre ang iba pang miyembro ng cast ng On The Wings Of Love na sina Albie Casino, Nico Antonio, Jason Francisco, Benj Manalo, Rafael Sudayan, Ysabel Ortega, Bailey May, at Ylona Garcia.

Ang mga representives ng Doble Kara cast nina Julia Montes, Sam Milby, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Anjo Damiles, John Lapus, at Alora Sasam.

Present din sa event ang singers na sina Gloc-9, Ebe Dancel, KZ Tandingan, Erik Santos, Morissette Amon, Klarisse de Guzman, at Daryl Ong.

Nagsilbing opening act ang pagkanta nila ng theme songs at iba pang mga awiting pinatutugtog sa tatlong teleserye.

Ilang ABS-CBN at Dreamscape executives din ang namataan sa event sa pangunguna nina Dreamscape Head Deo Endrinal at Dreamscape AdProm Head Biboy Arboleda.

MOST CHEERED PERFORMANCES. Lahat ng dumalong cast members ay nag-participate, nag-perform at bumati sa kanilang fans.

Sa humigit-kumulang na 20 performances sa Kapamilya Krismas3 na tinilian ng fans, lima rito ang masasabing pasok sa Top 5 most cheered performances.

Pinakatinilian ang duet nina James at Nadine para sa kanilang bersyon ng theme song ng “On The Wings Of Love.”

Kung malakas na ang tilian sa paglabas nila individually, mas tumindi pa ang lakas nito at talaga namang nakabibingi ang sigawan nang magsama na sila on stage. Tuwang-tuwa at kinilig nang husto ang Jadine fans na karamihan sa kanila ay nasa venue na bago pa magtanghali upang makakuha ng magandang puwesto at makita nang malapitan ang kanilang mga idolo.

Malakas din ang tilian sa dance showdown nina James at Albie. Sa OTWOL, sila ang magkaribal na sina Clark at Jigs sa puso ni Leah, na ginagampanan naman ni Nadine Lustre.

Nagpakitang gilas ang dalawang binata sa pamamagitan ng sexy dance moves para sa kantang “Watch Me (Whip / Nae Nae).”

Nang tanungin kung sino ang panalo sa dalawa, pinili ng mga fans na manalo si James kaya nakatanggap ang aktor ng kiss mula kay Nadine bilang pagsunod sa request ng fans.

Matindi rin ang tilian sa pagkanta ni Coco Martin at ng child actor na si Simon Pineda. Normal na ang malakas na tilian para kay Coco, pero ang nakagugulat ay ang pag-cheer ng mga tao nang lumabas sa stage papunta kay Coco si Simon. Ang dami na talaga ng nakakakilala kay Simon dahil sa mahusay niyang pag-arte bilang si Onyok sa Ang Probinsyano.

Siyempre hindi rin pahuhuli ang duet naman ni Coco sa kanyang leading lady na si Maja Salvador.

Pagkatapos ng kanilang kanta, biniro naman ni Maja si Coco na, “Mag-iisang taon na akong single. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Ang tagal ko nang naghihintay.”

Sinagot naman ito ni Coco ng, “Sabi ko nga, ganito kasimple iyan… ang probinsyano ibang klaseng magmahal. Hindi mo pa natitikman ang pinakamalupit.”

Labis naman itong ikinakilig at ikinahiyaw ng kanilang fans na ang tawag ay CocoJam.

Kasama rin sa most cheered ang pagkanta ng mga bida ng Doble Kara na sina Julia Montes, Sam Milby, at Edgar Allan Guzman.

Sa huli nagsama in one stage ang lahat ng cast ng tatlong teleserye upang magpasalamat sa mga Kapamilyang dumagsa sa event.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News