Kris Aquino refuses to take netizen’s bait over Instagram post of Karla Estrada

Kris Aquino (left) won’t fall into the trap created by a netizen after Karla Estrada (right) posted on Instagram a photo of Mayor Herbert Bautista enjoying a vacation with his kids and former partner Tates Gana.

Hindi hinayaan ni Kris Aquino na lumaki pa ang negatibong isyung nag-uugnay sa kanya at kapwa TV host na si Karla Estrada.

May ilang netizens kasi na hindi napigilang iugnay si Kris sa isang Instagram post ni Karla.

Ito ay ang larawan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama ang kanyang former partner na si Tates Gana at kanilang mga anak habang nasa bakasyon sa ibang bansa.

Mensahe ni Karla sa caption ng post niya noong Miyerkules, June 20: “Happy Family Bonding! Dapat kasama ako dyan eh! Mega busy lang mga momshie! #familylife”

Bingyan ito ng kulay ng ilang netizens dahil isang araw bago ito, nagsalita si Kris tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Mayor Herbert.

Sa post ni Kris nitong Huwebes ng gabi, June 21, nagkomento ang Instagram user na si @ringorellie, “kaya [kinaiinggitan] ka ng kapwa mo artista… naging plastic sa iyo gaya ni taba karla… magsaya sya kc nakuha nya puesto mo sa morning tv.”

Isang follower ang kumontra sa kanya at sinabing, “@ringorellie sa palagay ko d nakuha ni karla ang pwesto ni kris. It took the 3 of them to replace the timeslot of kris. Which is by the way si kris ang nagpalakas sa timeslot na yun which was otherwise a dead timeslot bfore. Siguro mas nakamura ang abs for the 3 kesa kay kris. I prefer her to b in this media bec she is her own boss. And for me it is an upgrade for her status. Sorry for replying.”

Sa palagay naman ni Kris, “not worth replying” ang comment ni @ringorellie.

Aniya, “I’m smart enough to know this ‘person’ is a fake follower/supporter wanting to cast me in a bad light kung pumatol ako—sorry but let’s not play that game.”

Sa sumunod na komento ni @ringorellie, muli niyang pinuna si Karla.

Pero agad siyang sinabihan ni Kris ng: “No negativity zone please?”

UNPLUG. Samantala, sa sumunod na post ni Kris, muli niyang sinabing umiiwas na siyang magbigay ng anumang reaksiyon o komento sa mga negatibong isyung ipinupukol sa kanya.

Sabi ng TV host/actress/celebrity influencer, “Life has taught me enough to just ‘unplug’ for a few days so I won’t post or react to things meant to agitate me that will later on waste my time explaining, deleting, or apologizing for…