KILALANG BANGKO BINOYCOTT dahil Pagiging BANK AMBASSADOR ni Carlos Yulo! MARAMI NA ang NAGPULLOUT!

Usap-usapan ngayon ang malawakang boykot sa isang kilalang bangko matapos itong kumuha ng kontrobersyal na gymnast na si Carlos Yulo bilang kanilang ambassador. Marami ang nag-react at nagpasya na i-pullout ang kanilang mga account bilang protesta laban sa umano’y kawalang respeto ni Carlos Yulo sa kanyang mga magulang.

 

KILALANG BANGKO BINOYCOTT dahil Pagiging BANK AMBASSADOR ni Carlos Yulo!  MARAMI NA ang NAGPULLOUT!

Ibinuhos ng netizens ang kanilang saloobin sa social media, kung saan tinawag nilang “suplado” at “walang respeto” si Yulo dahil sa umano’y hindi magandang trato nito sa kanyang pamilya. Ayon sa mga komento, hindi dapat suportahan ang sinumang public figure na nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang mga magulang, lalo na sa mga tulad ni Yulo na malayo na ang narating sa larangan ng sports ngunit umano’y nakakalimot sa kanyang pinagmulan

Dahil dito, naging malaking isyu ang pagiging bank ambassador ni Yulo, na tila nag-udyok sa ilang kliyente ng bangko na magdesisyon ng boykot. Marami ang nagbigay ng pasaring sa bangko, at naniniwalang hindi tamang kunin bilang mukha ng kanilang institusyon ang isang atleta na nahaharap sa isyu ng relasyon sa pamilya.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, may mga tagasuporta pa rin si Carlos Yulo na naniniwala na dapat paghiwalayin ang kanyang personal na buhay mula sa kanyang mga endorsement. Gayunpaman, patuloy pa rin ang kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens na umabot pa sa boykot ng bangko, na maaaring makaapekto sa reputasyon ng naturang institusyon sa mga darating na buwan.