Hinanap ng ilang netizens ang aktres na si Mariel Pamintuan sa katatapos lamang na GMA Gala 2024 dahil hindi siya namataan sa annual event.
Star-studded, pabolosa, at engrande ang katatapos lamang na GMA Gala 2024 na idinaos sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, nitong nakaraang Sabado, July 20, 2024.
WHERE’S MARIEL PAMINTUAN, THE “GALA FOOD REVIEWER”?
Mukhang inusisa si Mariel ng kanyang followers sa Facebook kung bakit wala siyang food review sa katatapos lamang na GMA Gala.
Nitong Martes, July 23, 2024, ipinaalam niya sa publiko kung bakit wala siyang food review at hindi siya nakita sa grand event.
Hindi raw siya invited sa Gala at natapos na rin ang kanyang dalawang taong kontrata sa GMA-7.
Ayon kay Mariel, “Hallur Krazy Pipol,
“It has come to my attention that some of you… ang hirap pala tagalugin ko na nga lang! May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala.
“Natapos na po ang aking 2 yr. Contract sakanila at ngayon ay isa na po akong freelancer.”
Nagpasalamat pa rin siya sa GMA sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya.
Malaki raw kasi ang naging tulong nito sa kanilang buhay pagdating sa pinansiyal na bagay.
Aniya, “Ganun pa man gusto ko po malaman niyo na malaki ang pasasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng mga proyektong nahubog ang kakayahan ko bilang artista at nakatulong sa aming pinansyal.
“Yun po ay malaking bagay para sakin kaya naman nanatiling masaya ang aking puso. I love Kapuso EYYYY”
Pabirong pagtatapos niya patungkol sa food ng Gala, “P.S. Sayang mukhang masarap ang food
Pero nakatanggap siya ng mga pang-aalipusta mula sa netizens.
Ito ay dahil hindi umano ugali ng isang mabuting bisita ang kanyang ipinakita sa TikTok videos niya.
“Lasang liver spread?” sagot ng newcomer na tinanong ni Mariel.
Sinundan niya ito ng komento na, “Okay, sabi po nila, lasang liver spread daw yung pagkain namin.”
Sa kanyang solo selfie video, inamin ni Mariel na binatikos nila ng mga kasama niya ang mga pagkaing inihain sa kanila.
Pag-amin pa niya noon, “Binash namin yung food pero naubos naman. Naubos ko naman.
“Appetizer pa lang yun. Meron pa tayong main course.”
Sa isa pang video, nagsalita si Mariel na nagpapanggap lamang itong masaya sa GMA Thanksgiving Gala.
Pahayag niya, “Heller! So, nagpapanggap lang akong nag-e-enjoy dito. Hindi ko kilala ang mga tao dito. Hindi rin nila ako kilala.”
Kaya naman nagresulta ito sa matinding bashing.
MARIEL PAMINTUAN PROMISES TO BEHAVE AT GMA GALA 2023
Sa GMA Gala 2023, imbitado muli si Mariel.
At nangako siyang mag-behave na sa event.
Habang ongoing ang Gala, nagbigay ng mga komento si Mariel sa four-course meal na inihapag sa attendees ng GMA Gala 2023.
Saad niya, “Babawi ako, kasi last time na-bash ako, e. Maganda na ‘to, promise. Aayusin ko na.”
Kasunod nito, inisa-isa ni Mariel ang komento sa food—mula sa salad, soup, rib eye steak, at dessert.
Puro maganda ang ibinigay niyang komento ukol sa pagkain.
Pansin na may may pagka-eksaherada ang kanyang facial reactions.
“Ten out of 10. Delicious,” review niya sa Caesar salad.
“Sarap! Yummy, guys!” review niya sa mushroom soup.
“Maiiyak ako, ang sarap,” sabi naman niya sa rib eye steak.
“Ang sarap,” sabi naman niya sa dessert na panna cotta.
Sa isa pang video noong nakauwi na siya, may mensahe naman siya kay Miss Annette Gozon-Valdes, ang GMA Films president at GMA Network senior vice-president.
Aniya, “Hi, Ma’am Annette Gozon, I love you!
“I love all the bosses of GMA. Thank you for inviting me.
“I hope you renew my contract next year and the year after and forever, so I will be the official food reviewer of GMA Gala night.”
Ngunit, hindi na nga na-renew ang kanyang kontrata.
News
HOT: Andrea Brillantes *Finally* Speaks Up About the Alleged Dressing Room Confrontation with Francine Diaz
Andrea Brillantes finally spoke up about a number of issues involving her in an almost 11-minute Instagram Live last night, April 11, 2022. During her tell-all, she confirmed that she was in a relationship with her on-screen partner Seth Fedelin and that they broke up in…
Francine Diaz and Seth Fedelin have a new show, but Andrea Brillantes’ “reaction” is the highlight
Francine Diaz and Seth Fedelin are set to star in a *new* series together called Dirty Linen, and Andrea Brillantes was among the first to congratulate them! Francine and Seth will headline the series alongside Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, and Jennica Garcia. This is the first time that the two are…
Andrea Brillantes suddenly reunited with the “Kadenang Ginto” cast, launching a new project?
Kadenang Ginto used to be one of the most popular television series in the Philippines. Not only did the show produce the most promising teen stars of this generation, but the entire cast also shared a ~*chef’s kiss*~ chemistry as they interacted with…
You will have to immediately buy yourself a “mini refrigerator” when you see Andrea Brillantes’ room
Andrea Brillantes‘ fans have been clamoring for a room tour and the actress delivered! Andrea, who moved into her family’s new home in January, gave a sneak peek at her “dream teenage” bedroom that occupies the entire third floor of the house. Andrea…
Instead of “speaking out” about KathNiel’s breakup that involved her, Andrea Brillantes did this?
Amid accusations of being a third party in Daniel Padilla and Kathryn Bernardo’s breakup, Andrea Brillantes appeared to choose silence, emphasizing her focus on work commitments. During an interview for “Frontline Pilipinas” with her “Senior High” co-stars, Brillantes addressed inquiries…
Andrea Brillantes’ new boyfriend posted a “romantic” photo with his lover on IG, causing people to go crazy
Kyle Echarri recently posted series of photos via Instagram with actress Andrea Brillantes in Korea. The young artists pose for the camera like a couple straight from a movie with the famous tourist spot Nami Island as their backdrop. They even took a…
End of content
No more pages to load