Nilinaw ni Joshua Garcia na hindi pa niya nahahalikan sa lips si Julia Barretto.

Ito ay matapos siyang diretsahang tinanong kung nahalikan na niya si Julia sa likod ng camera.

Dagdag ng 19-year-old Kapamilya actor, “No, Tito Boy. Sa forehead lang.”

Nakapanayam si Joshua ng TV host na si Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda kagabi, August 30.

Dito ay sinabi ni Joshua na iba ang kilig niya kahit sa simpleng palitan nila ng text messages ng dalaga.

Inamin din niyang ang kanilang term of endearment sa isa’t isa ay “Baba,” na ang ibig daw sabihin ay “Baby.”

STILL COURTING JULIA. Dala na rin ng ipinapakita nilang sweetness on and off cam, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyong magkarelasyon na sila.

Official PEP.ph on X: "Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year  relationship https://t.co/HdsaGQo3iX #JoshLia https://t.co/ZalsL5lOGt" / X

Ngunit iginiit ni Joshua na hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw sa 21-year-old Kapamilya actress.

Aniya, “I’m very lucky. Sa akin kasi, as lalaki din, gusto ko mag-effort pa rin, e.

“Sa tamang proseso, na nanliligaw pa rin ako. Para maramdaman niya din kung paano ligawan.”

Napangiti naman si Joshua nang hingan siya ng komento ukol sa pahayag ni Julia na wala na siyang kailangan gawin upang makamit ang matamis nitong “oo.”

Kaunting panahon na nga lang ba ang hinihintay nila bago sila pumasok sa isang relasyon?

“Yes, tama po. Perfect timing talaga,” nangingiting pagsang-ayon ng binata.

Julia Barretto willing to partner on-screen with Joshua Garcia again but  'not anytime soon' - The Filipino Times

PARENTAL APPROVAL. Patuloy ni Joshua, hindi niya pormal na nasabi sa mga magulang ni Julia ang kanyang intensiyong panliligaw.

Pero may bilin daw sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla sa kanya.

“Actually, di ko po sinabi. Natakot kasi ako.

“Yun na lang po, sinabi niya sa akin, alagaan ko na lang si Julia kung sakaling nililigawan ko siya.

“Alagaan ko siya, huwag ko siyang sasaktan.”

Nangako raw si Joshua na tutuparin niya ang bilin ng mga magulang ni Julia.