Kamakailan ay nagulantang ang social media sa ginawang hakbang ng ilang netizens na mag-withdraw ng lahat ng kanilang pera mula sa EastWest Bank. Ang kanilang galit ay nag-ugat sa paghirang ng bangko kay Carlos Yulo, ang tanyag na Filipino gymnast at two-time Olympic gold medalist, bilang bagong brand ambassador ng EastWest Bank.
Ang mga nag-boycott ay nagpalabas ng mga hinaing sa iba’t ibang social media platforms, sinasabing hindi nila nais suportahan ang isang institusyon na konektado kay Yulo. Bilang aksyon, agad nilang winithdraw ang kanilang mga savings at nagdesisyong lumipat sa ibang mga bangko.
May mga naglabas ng kanilang pagkadismaya, sinasabing ang mga banko ay dapat kumukuha ng mga brand ambassadors na hindi lamang matagumpay sa kanilang propesyon, kundi maging sa kanilang personal na buhay. Para sa kanila, ang imahe ng bangko ay nasisira kapag iniugnay sa isang tao na may kontrobersya, at ito ang nagtulak sa kanila na i-boycott si Yulo.