Enrique Gil: “It was really interesting but…”
Enrique Gil on Incognito: “They pitched to me that I was supposed to be part of it. But I was working doon sa concept namin for next year as well… for another series. So I rather to go doon sa concept namin.”
Itinanggi ni Enrique Gil na tinanggihan niyang maging bahagi ng cast ng upcoming Kapamilya action-drama series na Incognito dahil kay Daniel Padilla.
Bukod kay Daniel, ang iba pang cast ng Incognito ay sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Baron Geisler.
Mula ito sa direksiyon ni Lester Pimentel Ong.
Incognito main cast (L-R): Anthony Jennings, Maris Racal, Ian Veneracion, Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Kaila Estrada, and Baron Geisler.
Photo/s: Star Creatives Facebook
Noong November 30, 2024, inilathala ng PEP Troika ang partisipasyon sana ni Enrique sa serye, ngunit sa hindi sinabing kadahilanan ay umatras ito.
“Honestly, hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Enrique kung bakit siya nag-back out,” pahayag ng Kapamilya insider na nakausap ng PEP Troika.
Dahil sa pag-atras ni Enrique, si Baron daw ang ipinalit sa kanya.
Saad ng nasabing insider, “Nung napalitan sa casting si Enrique, in-adjust iyong role para kay Baron.”
ENRIQUE EXPLAINS WHY he did not accept role
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enrique noong December 10, 2024, inamin nitong totoong inilapit sa kanya ang proyekto.
Ngunit nanimbang daw ang aktor sa nais niyang unahin.
May nakapila rin daw kasi siya noong teleserye na nakatakda rin niyang gawin sa 2025.
Kung titingnan daw kasi ay halos makakasabay ito ng Incognito.
Photo/s: KHRYZZTINE JOY BAYLON
Ani Enrique, “Yeah, that’s true. They pitched to me that I was supposed to be part of it.
“But I was working doon sa concept namin for next year as well… for another series.
“So, I rather to go doon sa concept namin.”
Sundot na tanong ng PEP: “Totoo ba na yung karakter ni Baron sa serye yung dapat mong role?”
Sagot ng aktor, “I’m not sure exactly what character Baron is there, e.
“But [ang pinitch sa akin], I’m supposed to be expert in arms and weapon rin.”
NOT BECAUSE OF DANIEL PADILLA
Samantala, mariin namang itinanggi ni Enrique ang espekulasyong hindi niya tinanggap ang Incognito dahil ayaw niyang maging support lamang ni Daniel Padilla.
Sabi niya, “Ay, hindi naman. Wala namang ganun.
“It was really interesting, but feeling ko kasi mas bagay lang ako dito… I mean, yung role ko rito sa upcoming project ko na gagawin.”
Si Enrique ay isa sa mga bida at co-producer ng MMFF 2024 official entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, na magsisimulang ipalabas sa December 25, 2024.