Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Rita Daniela matapos pumutok ang isyu ukol sa diumano’y sexual harassment sa kanya ni Archie Alemania.

Rita Daniela

Nagsampa ng reklamong acts of lasciviousness si Rita laban kay Archie sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City noong October 30, 2024.

Sa kanyang complaint affidavit, idinetalye ni Rita ang ginawang pangha-harass umano ni Archie sa kanya.

Nangyari umano ang insidente sa thanksgiving party ni Bea Alonzo kasama ang cast ng Widows’ War, na kinabibilangan din nina Rita at Archie, noong September 9, 2024.

Matapos magsampa ng reklamo ay hindi nagpaunlak ng panayam ang aktres; gayundin si Archie.

Ngunit pagkalipas ng ilang linggo ay nagsalita na si Rita tungkol dito.

Ayon sa aktres, sinisikap niyang makabangon mula sa nangyari kahit hindi madali.

“I’m really trying my best to be okay because I have to,” sabi niya sa interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, noong November 11.

“I have to be okay. I have no choice because, siyempre, there’s a person who is depending on me.

“If bibigay ako, mas kawawa si Uno, mas kawawa yung anak ko,” pagtukoy ni Rita sa kanyang one-year-old son.

RITA UNDERGOING COUNSELLING AND THERAPY

Rita Daniela files acts of lasciviousness complaint vs Archie Alemania,  text messages bared - BNC
Pagpapatuloy ni Rita, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para malampasan ang masama umanong karanasan.

Sabi niya, “There are days na hindi ko din napipigilan, bumibigay ako bilang tao.

“I am trying my best and starting to have counselling and therapy… so anything that I can do to really help myself to move forward, and be stronger and braver than ever.”

Lumalakas daw ang kanyang loob dahil may mga taong nagpapaabot ng kanilang simpatiya at suporta sa kabila ng pangyayari.

“There are women na talagang lumalapit sa akin and they would just commend yung nangyari…

“And they’ve been telling me personally, ‘Hey, I like what you did. You’re so brave. I hope I can be like that for myself before.’”
Idinagdag ng Kapuso actress na pinag-isipan niyang mabuti ang ginawang hakbang laban kay Archie nang magsampa siya ng reklamo.

“It took me a while talaga to do this, kung anuman ang ginawa ko, kasi talagang maliban sa pagdadasal, kailangan din na pagninilay-nilayan mo lahat,” sabi niya.

Archie Alemania and Gee Canlas A Year After Film by Nice Print Photography

Kung titingnan ang kanyang Instagram account ay nanatiling aktibo si Rita sa kabila ng pangyayari at itinutuon ang sarili sa trabaho.

Samantala, nananatiling tahimik si Archie, maging sa kanyang social media accounts matapos ang insidente.

Pero ayon sa showbiz veteran na si Cristy Fermin sa kanyang online show na Showbiz Now Na, nakausap niya umano si Archie kaugnay ng reklamo ni Rita.

Itinanggi raw ni Archie ang mga paratang sa kanya ni Rita at nagulat na lamang umano ang aktor nang sampahan siya ng reklamo ng aktres.

Plano raw ni Archie na labanan ang mga akusasyon sa kanya ni Rita.