'Anak' ni Julia Montes dalagita na, hirit ng netizens: 'Magkamukha sila, magaling din sa aktingan!'

HOT topic at trending ngayon sa social media ang tungkol sa “anak” ng Kapamilya actress at rumored dyowa ni Coco Martin na si Julia Montes.

No, hindi naman ito ang natsitsismis na baby daw nina Julia at Coco kundi ang tungkol sa “anak” ng aktres sa ginawa niyang teleserye noon sa ABS-CBN na “Doble Kara”.

Ang tinutukoy sa viral tweet ay ang dating child star na si Krystal Mejes na gumanap ngang anak ni Julia sa naturang Kapamilya TV series na umere sa ABS-CBN noong 2015.

Gumanap si Krystal bilang si Rebecca o Becca na anak ng isa sa mga kambal na karakter ni Julia sa dating afternoon series na “Doble Kara.”

Nagulat kasi ang mga netizens na dalagita na pala si Krystal at napakaganda ring bata. Ayon sa nabasa naming comments, sana raw ay mabigyan uli ng projects ang bagets sa ABS-CBN.