– Nagsalita si Kaye Abad kaugnay sa alegasyong isa siya sa mga naugnay na babae kay Daniel Padilla
– Lumabas ang isang blind item kamakailan at kaugnay ito sa mga babaeng iniuugnay sa aktor
– Sagot ni Kaye nang hingan siya ng reaksiyon, sinabi niyang nakakatawa daw ang issue na ito
– Sa kasalukuyan ay pamilyado na si Kaye at mayroong dalawang anak sa asawang si Paul Jake
Para kay Kaye Abad, nakakatawa ang alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla. Ito ang kanyang naging sagot nang hingan siya ng reaksiyon ni Abante Tonite entertainment columnist Rose Garcia.
Kaye Abad, natawa sa alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla Source: Instagram
“Grabe, nakakatawa ‘yang issue na ‘yan!”
Isa si Kaye sa inaakusahang naugnay kay Daniel kasunod ng hiwalayang KathNiel na talaga namang lumikha ng ingay.
Isang blind item patungkol kina “Disco” at “KA” na nag-check in sa hotel ang naging dahilan ng isyung ito.
Sa kasalukyan ay hindi na gaanong active sa showbiz si Kaye pero may mangilan-ngilan siyang acting at endorsement project. Naninirahan na siya sa Cebu kasama ang asawang si Paul Jake Castillo at kanilang dalawang anak.
Kaye Abad, na kilala rin bilang Katherine Grace Cosme Abad, ay isang Filipinong aktres na sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Mayo 17, 1982, sa Easton, Pennsylvania, USA, ngunit lumaki at naging kilala bilang isang artista sa Pilipinas. Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng “Tabing Ilog” mula 1999 hanggang 2003.
Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito. Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography. Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng “Ang TV.”
Nitong nakaraang Setyembre ay pinagdiwang ng mag-asawang Kaye at Paul Jake Castillo ang unang kaarawan ng bunsong anak nilang si Iñigo. September 2, 2022 pinagdiwang ang unang kaarawan ng bunso nila.Binahagi ng Nice Print Photography ang magagandang pictures na kuha sa kanilang party.
News
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
Video ni Kathryn Bernardo na pinagbigyan ang fan na pinigilan ng security, viral
– A video of Kathryn Bernardo who happily gave in to a fan’s request has gone viral – In the video, which was shared by Lily Ganados on Twitter, the fan was already onstage – However, marshalls quickly prevented him…
Vice Ganda, emosyonal nang ikwento kung paano araw-araw nasasaktan ng social media si Ion Perez
– Vice Ganda became emotional when she talked about how Ion Perez has been affected by social media – She initially wouldn’t want to say anything after Ion’s Magpasikat performance but Kim prodded her – Vice then shared that everyday…
Coleen Garcia kay Vice Ganda nang magkita sila: “Magbati na kayo please”
– Nakwento ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang muli nilang pag-uusap ni Billy Crawford – Aniya, sa isang event kung saan naroroon din ang mag-asawa, nakita ni Vice Ganda si Coleen at pinansin niya ito – Nakiusap daw ni…
Kim Chiu, di napigilang maiyak sa kwento ni Beverly sa ‘It’s Showtime’
– Kim Chiu, in the latest episode of “It’s Showtime” on ABS-CBN, talked to Beverly – During the episode, Kim turned emotional upon hearing Beverly’s story – The actress even raised the prize money, making Beverly cry – According to…
WATCH: HOW JOSHUA GARCIA SUPPORTED JULIA BARRETTO IN THAT INTENSE ‘UN/HAPPY FOR YOU’ PARKING LOT SCENE SPARKS ROMANTIC RUMOURS
In the high-stakes world of film, the pressure can often feel overwhelming, especially during emotionally charged scenes. But as seen in the behind-the-scenes footage from their much-anticipated reunion film, “Un/Happy For You,” Joshua Garcia and Julia Barretto demonstrate that the…
End of content
No more pages to load