Muling magkakatapat ang mga programa nina primetime action hero Ruru Madrid at Kapamilya actor na si Coco Martin.
Sa November 6 na magsisimula ang bagong full action series ni Ruru na Black Rider.
Pareho ito ng oras ng primetime series ni Coco na kasalukuyang ding umeere ngayon.
Nakahalubilo ni Ruru si Coco sa isang event at masaya siyang makilala ang isa sa mga aktor na lubos niyang hinahangaan.
“Nagkita po kami doon sa same event kung saan din kami nagkita ni Tatay Ipe (Philip Salvador), ni Senator Robin (Padilla). Sakto nandoon po si Sir Coco. Nilapitan ko po siya para po magpakilala ako dahil sobrang taas po ng respeto ko sa kanya. Sobrang taas po ng paghanga ko sa kanya. Hindi pa po ako nag-aartista, talagang nanonood na po ako ng mga teleseryeng ginagawa niya. That’s why I’m very happy na nakita ko po siya noong gabi na ‘yun,” kuwento ni Ruru sa ginanap na media conference para sa Black Rider.
Lalo pang natuwa si Ruru dahil nakatanggap pa siya ng ilang papuri mula kay Coco.
“Nagpakilala ako. Sabi ko, ‘Sir Coco, ako po si Ruru Madrid. Galing po ako sa GMA. Isang malaking karangalang makilala kita.’ And then ang sagot lang niya sa akin, ‘Ano ka ba? Ako nga dapat magsabi niyan. Malaking karangalan na makilala kita. Pinapanood kita sa GMA. Nakikita ko ‘yung mga ginagawa mo, ‘yung efforts mo,'” bahagi ni Ruru.
Hinikayat din siya ni Coco na ipagpatuloy ang magandang trabahong sinimulan niya.
“Sabi niya, ‘Ipagpatuloy mo lang ‘yan. Sa totoo nga niyan, naghahanda na kami.’ Gumanon siya tapos yumakap po siya nang mahigpit. Sinabi niya sa akin, ‘Ipagpatuloy mo lang ‘yan. Nakikita ko ‘yung pagiging makatao mo, ituloy mo lang ‘yan.’ Sobrang na-appreciate ko po ‘yun dahil isa po siya sa mga tinitingala ko pong mga artista sa industriya po natin,” lahad ni Ruru.
Sa Black Rider, gumaganap si Ruru bilang Elias Guerrero, isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Bukod kay Ruru, bahagi rin ng serye sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, Jon Lucas, at marami pang iba.
Abangan ang world premiere ng full action series na Black Rider, November 6, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood ang simulcast nito sa GMA, GTV at maging online sa Kapuso Stream.
News
IN PHOTOS: Coco Martin with his one and only Queen
Many women have been linked to our Primetime King Coco Martin, but only one “queen” have ruled his heart most of his life. Who else but the woman instrumental in molding Coco to become the affable, concerned, approachable and wonderful…
Daniel Padilla talks about training, preparation as he heads to Italy for “Incognito” taping
The weather might be changing constantly—literally—but Daniel Padilla is more than ready to dive into some high-octane action in his upcoming teleserye, “Incognito.” By the looks of the preparations, his grand comeback is set to deliver some serious ‘pasabog.’ Daniel…
LOOK: Ang mga anak-anakan ni Coco Martin sa loob at labas ng showbiz
He’s definitely admired not just because of how brave, virtuous, and dutiful his character Ricardo “Cardo” Dalisay is in FPJ’s Ang Probinsyano when it comes to fulfilling his job as a police officer, but with how he also prioritizes and protects his…
Priceless! Rare moments of Julia Montes with her loveable Papa
In the long-running action-drama series FPJ’s Ang Probinsyano, Julia Montes plays Mara, the loving and diligent daughter of Armando (John Estrada) and Lolita (Rosanna Roces). And just like her character, she is not afraid to show her love for her family. In…
WATCH: Highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert
Daniel Padilla put on a show for his fans at his sold-out concert over the past weekend. Star Cinema MANILA—Push has compiled shots of some of the highlights from Daniel Padilla’s sold-out concert, that included Ian Veneracion and Jericho Rosales’ surprise…
Daniel pinaiyak ang fans sa bagong kanta
Ang sexy ng boses ni Daniel Padilla sa kanta niyang Malay Ko na official sound track ng pelikula nilang The Hows of Us ni Kathryn Bernardo. Lumabas ang pagiging old soul ni Daniel na parang ibinabalik ka sa 80’s. Hindi…
End of content
No more pages to load