In-unfollow na rin ni Andrea Brillantes sa Instagram ang kapwa niya Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.
Ito’y sa gitna pa rin ng usap-usapang may problema umano sa relasyon ni Kathryn at ng boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Dawit dito ang pangalan ni Andrea, na ayon kay Ogie ay nali-link kay Daniel at pasikreto pa umanong nagkikita ang dalawa.
Bagamat kalaunan ay binawi ito ni Ogie nang sabihin niyang hindi sa kanya unang nanggaling ang tsismis. Galing daw ito sa isang source na ayaw magpapangalan.
Nitong Linggo, November 19, 2023, napansin ng mapanuring netizens na wala na rin sa following list sa Instagram account ni Andrea ang IG account ni Kathryn.
Nangyari ito dalawang araw matapos madiskubre ng KathNiel fans na hindi na pina-follow ni Kathryn ang young actress, pero si Andrea ay nananatiling nasa following list niya si Kathryn.
Kung susumahin, parehas na ngayong hindi pina-follow nina Kathryn at Andrea ang isa’t isa.
Pagdating naman kay Daniel, makikita na nananatiling nasa following list niya si Andrea at nobyang si Kathryn.
OGIE DIAZ ON KATHNIEL RUMORED BREAKUP
Nakausap ng PEP Troika si Ogie noong November 16, kung saan dito ay nausisa nila ang tungkol sa inilabas niyang vlog sa YouTube na pinag-ugatan ng haka-hakang hiwalay na sina Kathryn at Daniel.
Sagot ni Ogie sa tanong kung naniniwala ba siyang may something na namagitan kina Daniel at Andrea, “Sinabi ko nga, paulit-ulit… eto ho ang nakarating sa amin, hindi po ito confirmed.
“Hintayin po natin sila kung ano ang sasabihin nila, kung ano ang totoo dun sa nabalitaan natin.”
Ang dating kasi sa KathNiel fans, sinabi na niya…
Napakunot-noo si Ogie, “So, hindi ko problema! Problema ko? Hindi ko problema yun! Problema yun ng nakaka-interpret na yun ang kanilang interpretasyon.”
Sundot na tanong sa kanya kung hindi ba niya naisip tanungin muna ang KathNiel bago niya pinasabog iyong bali-balita?
Napabuntong-hininga si Ogie, “Again, eto po yung nabalitaan namin. Hindi po ito confirmed. Hintayin po natin silang magsalita kung ano ang totoo.
“Basta importante, at the end of the day… gusto ko, sila pa rin.”
Samantala, habang isinusulat an artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag sina Kathryn at Daniel tungkol sa isyu ng kanila umanong hiwalayan.
News
Nadine Lustre “picks up other people’s trash”.
Yesterday, Nadine Lustre was onboard a RORO (roll-on/roll-off ship that transports vehicles) where she caught someone “throw paper and plastic wrappers out their van’s window.” Tsk tsk! The actress posted on Instagram Stories, “I picked it up, knocked on the door, and asked…
HOT: Nadine Lustre suddenly received a “strange object” while performing on stage
Nadine Lustre made rounds on Twitter on April 9, Saturday, after she performed for the campaign rally of presidential candidate Leni Robredo and her running mate Kiko Pangilinan in Pampanga. After singing her song “Paraparaan,” a fan got up on stage to hand her a bottle…
Nadine Lustre Reveals She Used To Take Glutathione After Being *Discriminated* At Auditions For Her Skin Color
It’s no secret that Nadine Lustre is one of the most sought-after actresses today. At just 29 years old, she has received numerous accolades for her acting projects, and has also ventured into singing and dancing. Before she achieved leading lady status,…
Suddenly, Nadine Lustre was asked by an actor to work with him, who had been accused of “abuse and violence”.
Tony Labrusca has worked with a lot of actresses in his career, from Angel Aquino in Glorious, Heaven Peralejo in Bagong Umaga, to Julia Barretto in I Am U. He’s also set to star in a film with Jane Oineza within the year. Speaking to ABS-CBN News, the actor expressed his interest in…
HOT: Nadine Lustre was caught by netizens riding a “tricycle” in Siargao
Remember when Nadine Lustre wowed her fans when she was captured buying lechon sauce while looking au naturel? Well, it looks like that viral moment has a part two only that this time, it happened during a tricycle ride in Siargao. On…
Netizens dug up an old video of Iza Calzado saying he would “steal Nadine Lustre’s lover”
the internet was *on fire* after James Reid and Issa Pressman posted pics showing they attended Harry Styles‘ Love On Tour concert together. In one of their photos, the two are seen holding hands, making them the most recent couple to hard-launch their relationship on Insta. The Careless Music stars were…
End of content
No more pages to load