– Nirepost ni Mark Andrew Yulo ang isang quote card ni Nesthy Petecio kung saan ibinida niya ang paghanga sa mga prinsipyo nito
– Tinawag ni Mark Andrew na “idol” si Petecio dahil sa dedikasyon nito sa pagtulong sa kanyang pamilya
– Ibinahagi ni Petecio na ang mga cash incentives na natanggap niya ay inilaan niya para sa kapakanan ng kanyang pamilya
– Ginamit ni Petecio ang kanyang mga napanalunan upang masigurado ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya
Ibinida ni Mark Andrew Yulo, ama ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ang kanyang paghanga kay Nesthy Petecio, isang kilalang Olympic medalist sa larangan ng boxing. Nirepost ni Mark Andrew sa kanyang social media ang isang quote card ni Petecio kung saan ibinahagi nito ang kanyang mga prinsipyo at pangarap.
Mark Andrew Yulo, ibinida ang paghanga kay Nesthy Petecio Source: Facebook
Ayon kay Mark Andrew, hindi niya maiwasang magpahayag ng paghanga sa mga sinabi ni Petecio at tinawag pa itong “idol.” Sa naturang quote card, ibinahagi ni Petecio na isa sa mga pangarap niya ang matulungan ang kanyang pamilya, at kadalasan ay nakakalimutan na niya ang sarili sa kanyang dedikasyon.
Dagdag pa rito, ibinahagi ni Petecio sa isang interview na ang mga cash incentives na natanggap niya mula sa kanyang mga tagumpay ay inilaan niya para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Ginamit niya ang kanyang mga napanalunan upang makabili ng mga ari-arian at masigurado ang magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Sinabi ni Petecio na pinili niyang ipunin at palaguin ang kanyang pera upang magkaroon ng katiyakan kahit may mga gastusin.
https://www.facebook.com/markandrew.yulo/posts/pfbid022trMHJUvFqZE5qLkVSLj6HeUH8ZUaTRWEraGDBvDh9daAEpW31iErVnjC8zuL3ibl?ref=embed_POST
“Masaya na ako kapag nakikita kong masaya at maginhawa ang pamilya ko,” ani Petecio, na patuloy na nagsusumikap para sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang mga tagumpay.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.
News
Vice Ganda dismisses rumors he broke up with Ion Perez: ‘Masaya kami’
Ion Perez and Vice Ganda. Image: screengrab from YouTube/It’s Showtime Vice Ganda shut down rumors that he and his partner Ion Perez have broken up, stating that they recently spent time apart only to keep the “balance” in their relationship….
Vice Ganda reveals how Aga Muhlach played an important role in relationship with Ion
Did you know that It’s Showtime host Vice Ganda is actually friends with veteran actor Aga Muhlach? And we’re able to get a glimpse of their unexpected friendship through the former’s latest vlog, wherein she got to interview the latter about his…
Julia Barretto and Joshua Garcia Spark Kilig Vibes Behind the Scenes of Un/Happy for You
It’s official: JoshLia is back! Screencaps: Star Cinema Just this April, Julia Barretto and Joshua Garcia’s much-awaited reunion movie was announced. JoshLia fans weren’t expecting it, but dreams do come true! Star Cinema even hypes them up with behind-the-scenes glimpses…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
– Angelica Poquiz Yulo, the mother of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, is welcome to join the Mrs. Philippines 2025 beauty pageant – The President of the Mrs. Philippines Organization, Erika Joy Santos, herself made the announcement in a recent…
Vice Ganda, kwelang binanggit si Cristy Fermin sa ‘It’s Showtime’
– Vice Ganda humorously inserted Cristy Fermin’s name on ‘It’s Showtime’ – This happened during the September 11, 2024, episode of their ‘Kalokalike!’ segment – The namedrop happened when Vice asked Kim Chiu to ask the Ariana Grande Kalokalike! contestant…
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
End of content
No more pages to load