Ipapalabas na pala sa October 2, 2024 ang first movie nina Kim Chiu and Paulo Avelino na “My Love Will Make You Disappear” under ABS-CBN Studios and Star Cinema mula sa direksyon ni Chad Vidanes.

Siyempre pa, masayang-masaya ang KimPau fans dahil hindi na sila maghihintay pa ng matagal. Ngayon pa nga lang, sobrang excited na sila about it.

Ang pelikula naman nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love Again” ay ipalalabas sa Nov. 13, 2024. Ito ang sequel ng 2019 blockbuster film nila na “Hello, Love, Goodbye” at ngayon pa lang, talagang inaabangan na ito ng KathDen fans.

May mga nagtatanong namang fans kung bakit mauuna pang ilabas ng Star Cinema ang KimPau movie kaysa sa KathDen gayung naunang nag-announce ang HLA.

At ngayon pa lang, nagkakaroon na ng comparison sa dalawang pelikula. Ang tanong nga ng madlang people, alin daw kaya sa dalawang pelikula ang mas kikita at mas magiging blockbuster.

Parehong may malaking hukbo ng fans ang KimPau and KathDen kaya naman ngayon pa lang ay inaabangan na ang resulta sa takilya ng kani;ang pelikula kahit na nga magkaiba sila ng playdate. (Vinia Vivar)