Kylie, nilaglag sa Bones…?!
Wala sa media day ng Green Bones si Kylie Padilla. Pero sa press release na ibinigay, kasama pa rin ang pangalan niya sa entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival.
Wala rin siya sa trailer at hindi nabanggit ang pangalan niya sa cast sa Q&A ng media day. Hindi rin siya nagpo-post ng poster o pub material ng movie, tanong tuloy ng fans, kasama pa ba talaga si Kylie sa movie?
Si Alessandra de Rossi ay nasa cast at siya yata ang muse ni director Zig Dulay dahil naging successful ang Firefly sa box-office at nagkamit ng awards. ‘Katuwa lang ang sagot ni Alex nang tanungin kung ano ang role niya sa movie?
Nag-isip ng ilang minuto, sinagot ang tanong ng “basta, I was there.”
Sa tanong naman kung bakit niya tinanggap ang movie, si direk Zig ang isa sa sinabing rason. “It’s GMA Films uli at si Zig. No problem na support ako nina Dennis (Trillo) at Ruru (Madrid).”
Pinatawa uli niya ang press sa sagot sa tanong kung anong challenge ng kanyang role dahil ang sagot at “Challenge? Parang wala naman. Barkada ako ni Dennis dito. Basta I was there. Guaranteed for five days,” sagot nito.
Anyway, sa Dec. 25 na magbubukas ang 2024 MMFF.
Gladys at Juday, ‘di mabitiwan ang isa’t isa!
Ang saya-saya nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes nang magkita sa Grand Media Day and FanCon ng 2024 MMFF na ginawa sa Quantum Skyview sa Gateway 2 Mall.
Naaliw sa kanila si Mylene Dizon na tinitingnan sina Judy Ann at Gladys.
Magkalaban ang pelikula ng magkaibigan sa 2024 MMFF.
Si Judy Ann, bida sa Espantaho ng Quantum Films, Purple Bunny Productions at CineKo Films. Si Gladys, kasama sa cast ng And The Breadwinner Is…
Maris Racal, binaklas na rin sa poster!
Parang OA naman na i-video at i-post pa ang pagtanggal ng ad poster ni Maris Racal ng San Miguel Beer. In fairness, hindi mga taga-SMB ang nag-video at nag-upload sa TikTok ng pag-alis ng ad poster, netizens ang naka-witness.
Naisip tuloy ng netizens na baka may morality clause sa pinirmahang kontrata nila sa SMB at mukhang ‘yun nga ang nangyari.
Sa puntong ito, may mga naaawa sa kanila dahil pareho silang breadwinner ng kani-kanyang pamilya. Lalo na si Anthony, ang dami nitong pinagdaanan at sakripisyo para lang magkapangalan at magkaroon ng project.
Sana, hindi sila bitawan ng Star Magic at ABS-CBN, bigyan pa rin sila ng project para patuloy silang makatulong sa kani-kanyang pamilya.