Alden sa ‘panliligaw’ kay Kathryn: ‘Ginagawan na naman ako ng isyu’

Alden sa 'panliligaw' kay Kathryn: 'Ginagawan na naman ako ng isyu'

Kathryn Bernardo at Alden Richards

 

KALAT na ang chika na nililigawan umano ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards si Kathryn Bernardo matapos makipaghiwalay kay Daniel Padilla.

Pero inalmahan ito ng Kapuso star at sinabing gawa-gawa lamang ito ng mga taong gusto na naman siyang wasakin at idamay sa kontrobersyal na breakup ng KathNiel.

Nakachikahan namin si Alden kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media sa pa-thanksgiving niya sa press kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 13th anniversary sa showbiz.

Ginanap ito sa Stardust Bar and Restaurant sa Jupiter Street G/F 58, Building Jupiter, Makati City na isa sa mga bagong business ni Alden.

Super thankful ang binata sa lahat ng blessings na natanggap niya sa loob ng 13 years na pananatili niya sa entertainment industry.


Kasama na sa ipinagpapasalamat niya ngayong 2023 ay ang pelikula nila ni Megastar Sharon Cuneta, ang “Family of Two (A Mother & Son Story)” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2023 na mapapanood na simula sa December 25.

Inamin ni Alden na napakarami niyang pinagdaanang challenges nitong nagdaang 13 years pero  ipinagpapasalamat pa rin niya ang mga ito dahil mas tumibay pa ang kanyang faith at pagmamahal sa Diyos.

“Pero hindi pa tayo natatapos. Marami pang dapat matutunan. Malayo na pero malayo pa,” sey ng aktor na kinumpirmang napakarami pa niyang pasorpresa at pasabog sa 2024.

Kasunod nito, nilinaw ni Alden ang chika na may pumipirata raw sa kanya na isang big company, “Wala po, wala pong ganu’n. Loyal po tayo sa GMA until the last day.”

At sa balita ngang nanliligaw daw siya ngayon kay Kathryn, “Wala pong katotohanan ‘yan. Hindi po totoo.

“Kasi parang ginagawan na naman ako ng issue para mapunta sa akin ‘yung blame, ‘di ba? Parang nananahimik ako, so ngayon po, wala pong ganu’n. Hindi po ‘yun totoo,” mariing pagtanggi ni Alden.


Dugtong pa niya, “I know my place in the industry and hindi po ako nakikisawsaw sa issue ng kung sino man.”

Natanong din ang binata kung nag-try siyang tawagan o magpadala ng mensahe kay Kathryn after ng breakup nito kay Daniel Padilla.

“Hindi ko pa po nagawa. Kasi siyempre, that’s her personal and nu’ng ginagawa po namin ang Hello, Love, Goodbye, parang ‘yun din ang respect ko. Anything that has to do with that angle, ‘yung sa kanila ni Daniel, hindi po ako nakikialam.

“So I keep that oath po, and para hindi na lang din po tayo masyadong maraming… hindi ko na po ini-involve ‘yung sarili ko with this issue. Kasi malaki na po siya as it is,” sey ni Alden.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News