Isa nang ganap na Kapamilya ang Viva talent na si Nadine Lustre dahil kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.
Hindi naman itinago ni Nadine na masaya siya ngayong isa na siyang Kapamilya.
“Yes, I’m very, very happy po. I mean, medyo matagal na rin akong nasa Viva,” sabi ng young actress sa panayam sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, August 31.
“So, medyo matagal na rin.”
JADINE LOVETEAM. Uminit ang pangalan ni Nadine at ng ka-loveteam niyang si James Reid dahil naging hit ang launching movie nilang Diary Ng Panget.
Dahil dito ay nasundan ang kanilang pagsasama sa pelikula, sa pamamagitan ng Talk Back And You’re Dead na lalong nagpatibay ng kanilang box-office appeal.
Hindi raw sigurado si Nadine kung nakaplano talagang i-co-produce ng Star Cinema ang Talk Back And You’re Dead, na iprinodyus ng Viva Films, at pagkatapos ay papapirmahin na sila ni James sa ABS-CBN.
“That I’m not sure, kasi nagulat na lang po kami na co-prod na ang Talk Back… ng Star Cinema, e.
“Ang sabi lang sa amin, ‘Okay, you have another movie right after DNP [Diary Ng Panget].’
“Sinabi po sa amin, ‘Okey, meron ulit kayong project ni James [Reid], yung Talk Back…’
“And then, after a few weeks, biglang sinabi na co-prod siya ng Star.
“So, kami po ni James, we’re really excited po.”
Kasalukuyang nasa Albay naman daw kahapon ang ka-loveteam nito na si James.
Tinanong ni Kris si Nadine kung tini-text nila ang isa’t isa ng “good morning.”
“No, kasi we see each other all the time,” nakangiting sagot ng young actress.
Kapag nagkikita ba sila palagi, mas lalo silang nagiging close?
“Nahihiya ako… kasi may mga… nandiyan yung JaDine, e,” pagtukoy ni Nadine sa fans nila ni James.
Pero sinabi ni James na ideal girl ka raw niya?
“Okay,” nakangiting sagot ni Nadine.
Totoo bang istrikto ang nanay ni Nadine?
Sagot niya, “Right now kasi, me and James, we both value our career, ‘etong opportunity.
“Parang kami rin, ayaw pa rin namin.”
Hiniritan naman siya ni Toni na ganoon din daw siya dati, lalo na noong bagong lipat sa ABS-CBN na ang sinasabi niya, “I value my career.” At halos lahat daw ng bagong loveteam, ganoon ang sinasabi.
Sabi naman ni Nadine, “Okey, sige, para maiba na lang, ako, I’m the type of person who doesn’t want to expect talaga.
“Ayokong mauna.”
BLANKET AND PILLOW. Ibinuko naman ni Kris na binigyan daw ni Nadine ng pillow at blanket si James dahil sa shooting ay wala raw ito. Pero si James daw, ni isang kape ay wala pang ibinibigay kay Nadine.
Bakit niya nga ba binigyan ng blanket at pillow si James?
Sagot ni Nadine, “Wala naman, kasi yung upuan niya, yung folding chair niya, sobrang uncomfortable.”
Hindi pa masagot nang diretso ni Nadine kung ano ang unang serye na gagawin nila ni James sa Kapamilya network.
“Kasi, hindi pa po nasasabi sa amin.”
Bukod kay James, sino pang Kapamilya male stars ang nakyukyutan siya?
“Si Joseph Marco… ay, hindi puwede!” biglang bawi ni Nadine.
Kaya nasabi ni Nadine na hindi puwede dahil humingi na ng permiso si Joseph kay Toni na maging date nito sa Star Magic Ball ang kapatid na si Alex Gonzaga.
News
Revealing the Mysterious Relationship Between Nadine Luster and Her Sister James Reid
James Reid and Nadine Lustre may have broken up, but the sisterhood remains alive for Nadine and James’s sister Lauren. Following the confirmation of the breakup, Lauren posts a photo with Nadine on Instagram. Fans of James and Nadine flood…
Kris Aquino’s reaction when asked about his relationship with Nadine Lustre
Inilarawan ni Kris Aquino ang pagkakaibigan nila ni Nadine Lustre bilang “private” at consistent daw ang kanilang komunikasyon. Nitong Linggo, October 31, nag-post si Kris sa Instagram ng isang quote at sa caption nito, sinabi ng Queen of All Media…
Nadine Lustre reacts to being ‘Estetik Queen’
MANILA, Philippines — Actress Nadine Lustre is tagged as the “Estetik Queen,” the Filipinized version of the English word “aesthetic,” by many online users. Many of them observed how the actress keeps her Instagram feed curated with good quality photos. The…
Nadine Lustre’s viral video from celebrity Emman Atienza received harsh criticism
Emman Atienza reacted to the bashing she received Social media personality Emman Atienza, the daughter of seasoned Kapuso host Kim Atienza, released a statement after she received bashing because of her viral video. The said video was posted on Emman’s TikTok…
Nadine Lustre was suddenly called out by Emman Atienza with a global Korean music group
Just as the controversy appeared to be settling down, more people are joining the conversation about Emman Atienza, the daughter of TV host and entrepreneur Kim Atienza. Emman recently gained widespread attention after participating in the “Guess the Bill” trend…
A surprise Andrea Billantes challenge for her sister and boyfriend
In the latest vlog she uploaded, Huwag Kang Mangamba star Andrea Brillantes dared her two best friends – her co-star and love team partner Seth Fedelin and her older sister Kayla for a fun “Who Knows Me Better Challenge,” wherein they gamely…
End of content
No more pages to load