– Nahingan ngreaksiyon si Karla Estrada sa tagumpay ng pelikulang Hello Love Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richrds
– Aniya, masaya siya kagaya ng lagi niyang sinasabi na dapat ay naghihilaan pataas ang mga tao sa showbiz
– Aniya, proud siya para kay Kathryn na umabot sa Bilyon ang kinita ng pinakabagong pelikula
– Inamin ni Karla na hindi pa raw niya na-congratulate nang personal si Kathryn
Nagpaabot ng pagbati si Karla Estrada sa tagumpay ng pelikulang “Hello, Love Again”, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Sa panayam, sinabi ni Karla na labis ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng pelikula, na umabot na sa bilyong piso ang kita.
Ayon kay Karla, palagi niyang pinaniniwalaan na dapat ay naghihilaan pataas ang mga nasa industriya ng showbiz. “Masaya ako para kay Kathryn. Proud ako sa kanya at sa lahat ng bumubuo ng pelikula,” aniya.
Gayunpaman, inamin ni Karla na hindi pa niya personal na nakakabati si Kathryn. Si Kathryn ay dating kasintahan ng anak niyang si Daniel Padilla, ngunit iginiit ni Karla na ang kanyang suporta ay nananatili para sa aktres.
Ang pelikula ay itinuturing na isa sa pinakamalalaking tagumpay ng Philippine cinema ngayong taon, at patuloy na umaani ng papuri mula sa mga manonood.
Si Karla Estrada ay isang kilalang Filipina actress, singer, at television host. Siya ay naging bahagi ng iba’t ibang teleserye, pelikula, at variety shows sa Pilipinas. Kilala rin siya bilang ina ng aktor at heartthrob na si Daniel Padilla, isa sa pinakasikat na artista sa bansa.
Bukod sa kanyang karera sa entertainment industry, si Karla ay naging aktibong personalidad sa politika at sa social media. Siya rin ay naing regular na host ng Magandang Buhay, isang morning talk show na nagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng mga kwento ng pamilya at tagumpay.
Kamakailan, pinasalamatan ni Karla ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Matatandaang ang anak niyang si Daniel Padilla ay nagpaunlak pa rin ng awitin sa kabila ng pag-ulan upang hindi mabigo ang mga nanonood sa nasabing pagtitipon.