Hiwalay na si Vina Morales at non-showbiz boyfriend niyang si Andrew Kovalcin.

Ito ang kinumpirma ni Vina sa panayam niya sa ABS-CBN News nitong Martes, October 15, 2024.

Ani Vina, “Wala na kami. I’m back to being single, ready to mingle.”
Sa kasalukuyang estado raw ngayon ni Vina ay hindi na niya iniisip pa kung may darating o wala.

Hindi na rin daw siya kagaya dating nalulungkot na walang karelasyon.

Saad niya: “Hindi ko na masyado pinu-push yun sa buhay ko [yung lovelife].

“Hindi na siya priority, kasi before nalulungkot ako pag wala akong lovelife. Parang, ‘Ano ba yan, nakakalungkot wala pa ring dumarating.’

“Pero ngayon, e, may dumarating, nawawala. So, ibig sabihin, wala pa rin talaga. So, hindi ko na pinipilit.”

Hindi na idinetalye pa ni Vina kung ano ang rason ng hiwalayan nila ni Andrew.


VINA-ANDREW RELATIONSHIP
Noong November 2, 2023, nagsimulang umugong ang balitang nagdi-date na si Vina, makaraan niyang maging single ng ilang taon.

Nangyari ito matapos niyang i-upload sa Instagram ang video nila ni Andrew na nasa isang park sa Washington, D.C.
Nasundan pa ito noong November 3, nang i-upload niya ang mga litrato sa kanilang dinner date.

Pagtatapat ni Vina sa welcome presscon niya noong November 29, 2023, opisyal na silang magkasintahan ni Andrew.

Masaya rin niyang ibinahagi ang mala-teleserye nilang love story kung paano sila muling pagtagpuin ng tadhana matapos nilang magkahiwalay ng mahabang panahon.

Pagbabahagi ni Vina, “Alam mo, di mo talaga masabi yung buhay natin because I met him 22 years ago in Hawaii.

“I met him during one of my concerts there.

“And then a year after, nanood ulit siya ng concert ko somewhere in North Carolina or South Carolina, basta nanood siya.

“And after that, nawalan na kami ng communication.”

Vina Morales confirms breakup with non-showbiz boyfriend Andrew Kovalcin

Akala raw ni Vina ay kinalimutan na siya ni Andrew dahil sa tagal nilang hindi nag-usap, hanggang kamakailan lang ay napansin daw niyang patuloy lang pala ang pagpapadala nito ng mensahe sa kanya.
Pagbabahagi ng singer-actress, “He is emailing me, hindi ko lang nababasa minsan. Then siyempre nagkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay, we had relationships, nagkaroon na ako ng Ceana.”

Si Ceana ang anak ni Vina sa dati niyang partner na si Cedric Lee.
Pagpapatuloy pa ng “Pangako Sa ‘Yo” singer: “During COVID-19, I’m just checking kasi kapag hindi ko pina-follow sa Instagram, hindi ako nakaka-receive ng pm [personal message].

“Kaya sabi ko, ma-check nga yung mga nasa by request ko. Chineck ko lang para malaman ko kung sino yung mga nag-message sa akin para i-accept ko kung sino yung kakilala ko.

“Then, nandodoon siya. He’s been liking my messages pala and he’s been writing messages for me.”

Sa punto raw na ito ay nireplayan ni Vina si Andrew para humingi ng paumanhin sa hindi niya pag-reply sa mga chat nito.

Aniya, “Sabi ko sa kanya, ‘Sorry, I just read all your messages.'”

Hindi raw niya inaasahang magre-reply agad si Andrew at mag-ayang magkita sila sa U.S.

Ani Vina, “He knows that I’m to going to U.S. last year para sa show namin ni Jim Brickman, kaya sabi niya, ‘Can we see each other?’ Sabi ko naman, ‘Of course, we can see each other.’

“Kaya noong nagkaroon ako ng breaktime sa Miami after my show, pumunta siya doon.

“We spent days there sa Miami, and then doon yung sparks bumalik.

“Hanggang sa pumunta siya dito sa Philippines, nagbakasyon siya, first time niya yun, and met my family.”
Matapos nito, naging busy raw si Vina sa kanyang showbiz career kaya muli silang hindi nagkausap ni Andrew.

Vina Morales makes relationship with Andrew Kovalcin Instagram official

Hanggang si Andrew na raw mismo ang gumawa ng paraan para muli silang magkita at magkausap.

Lahad ni Vina, “When we found out that may Broadway ako, he went to watch me. And then, doon na nag-start ulit.

“Nag-rekindle na ulit yung spark kasi nawala rin after last year.

“Kaya ngayon, he’s my constant.”

Ang “Broadway” na tinutukoy ni Vina ay ang partisipasyon niya sa Broadway musical na Here Lies Love.

Dahil dito, labis daw ipinagpapasalamat ni Vina ang pagtitiyaga at pagmamahal sa kanya ni Andrew.

Aniya, “He’s been really, like, in touch. Never siyang nawala sa buhay ko kahit hindi ko masyadong napapansin.”

Bagamat maraming beses nang nabigo si Vina sa pag-ibig noon, dumating na raw siya sa punto nananalangin na siyang sana ay si Andrew na ang huli at makakasama niya sa panghabang panahon.

“Hindi mo na rin talaga masabi kung ano talaga ang magiging story ng buhay mo.

“Siguro ito yung istorya ko. It took a while, hindi man natin alam kung hanggang saan at hanggang kailan ito.

“Basta ako, I will do everthing kasi he’s a good person, he’s a god guy.

“I’m hoping for the best of us,” saad ni Vina.