Rita hindi iaatras kaso kay Archie: Kung bibigay ako, kawawa ang anak ko

Rita hindi iaatras kaso kay Archie: Kung bibigay ako, kawawa ang anak ko

Archie Alemania at Rita Daniela

PINANININDIGAN ng Kapuso actress na si Rita Daniela ang kasong acts of lasciviouness na isinampa niya laban sa aktor na si Archie Alemania.

Ito’y matapos ngang lumabas ang balita na mariing itinatanggi ni Archie na binastos at pinaghahalikan niya si Rita sa loob ng kanyang sasakyan nang ihatid niya ang aktres sa bahay nito.

Finally, after niyang kasuhan si Archie na nakasama niya sa Kapuso series na “Widow’s War” ay nagsalita na si Rita hinggil sa kontrobersiya.

Sa complaint affidavit ng Kapuso star na kanyang isinumite sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City noong October 30, 2024, idinetalye  ni Rita ang panghaharass umano sa kanya ng aktor.

Nagsimula raw siyang bastusin ni Archie sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa mga kasamahan niya sa “Widows’ War” na humantong sa paghalik at paghawak umano sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Pahayag ng aktres, hanggang ngayon ay tina-try niyang maka-move on at mabuhay nang normal pagkatapos ng mga nangyari.

“I’m really trying my best to be okay because I have to. I have to be okay. I have no choice because, siyempre, there’s a person who is depending on me.

“If bibigay ako, mas kawawa si Uno, mas kawawa yung anak ko,” ang emosyonal na pahayag ni Rita sa panayam ng “24 Oras”.

Pag-amin pa niya, “There are days na hindi ko din napipigilan, bumibigay ako bilang tao.

Detalye sa pagpapakulong at pagsampa ng kaso ni Rita Daniela kay Archie  Alemania

“I am trying my best and starting to have counselling and therapy… so anything that I can do to really help myself to move forward, and be stronger and braver than ever,” ang sabi pa ng aktres.

Ibinahagi rin niya na may mga babaeng nagpapaabot ng kanilang  simpatiya at suporta matapos siyang magdemanda para bigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya.

“There are women na talagang lumalapit sa akin and they would just commend yung nangyari.

“And they’ve been telling me personally, ‘Hey, I like what you did. You’re so brave. I hope I can be like that for myself before.’

“It took me a while talaga to do this, kung anuman ang ginawa ko, kasi talagang maliban sa pagdadasal, kailangan din na pagninilay-nilayan mo lahat,” ang pagbabahagi pa ng celebrity mom.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lantarang nagsasalita si Archie sa kinasasangkutang asunto pero base sa pag-uusap nila ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, idinenay daw lahat ng aktor ang paratang sa kanya.

Sabi ni Nanay Cristy sa kanyang online show na “Showbiz Now Na”, wala raw katotohanan ang mga akusasyon ni Rita ayon kay Archie at handa siyang ipaglaban ang sarili sa korte.