Burado na ba sina Julia Montes at Nadine Lustre sa cast ng Kapamilya primetime series na Burado?
Ayon sa source ng PEP Troika, si Arci Muñoz na ang isa sa mga bidang babae rito, at pinagpipilian kung sino ang isa pang aktres.
Matatandaang pinangunahan nina Julia at Nadine ang storycon ng teleseryeng Burado noong Pebrero 10.
Nasa storycon din ang tatlong leading men na sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, at Thai actor na si Denkhun Ngamnet.
Present din sa storycon ng Burado sina Lotlot de Leon, Raymond Bagatsing, Carmi Martin, Ina Raymundo, Joko Diaz, McCoy de Leon, Kokoy de Santos, at Javi Benitez.
Ipoprodyus ito ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.
Maliban sa Pilipinas, planong kunan ito sa Thailand, India, at Cambodia.
Ito ang comeback ni Julia Montes sa paggawa ng teleserye, kaya excited ang kanyang fans.
Namamayagpag sa ratings ang panghapong action-drama ni Julia na Asintado nang tapusin ito noong Oktubre 2018.
Mula noon ay matagal-tagal na nagpahinga sa showbiz si Julia.
Nagbida si Julia sa weekly series na 24/7 na nag-premiere noong Pebrero 23.
Nakaapat na episodes lang ito sa ere dahil sa ipinatupad na community quarantine sa NCR at mga kalapit-lalawigan.
GORGY RULA
Ang latest na nasagap ko, baka bandang July na raw mag-taping angBurado, at marami na ang nabago sa casting.
Wala na sa listahan sina Nadine at Julia, at si Arci na ang kapalit.
Pero wala pang napagdedesisyunan kung sino ang isa pang aktres na gaganap sa isang babaeng bida.
Kabilang na sa cast sina Cherry Pie Picache, Tonton Gutierrez, JC Santos, at Ronnie Lazaro.
So far, wala pa namang teleserye na nagsisimula at nasa planning stage pa lang.
Malamang na ang FPJ’s Ang Probinsyano ang maunang mag-roll, at iyon daw ang hinihintay ng ibang produksiyon.
Kung mairaraos ito ng teleserye ni Coco Martin, maaaring magsunuran na ang iba.
Sa totoo lang, hindi talaga natin alam kung ano ang magiging resulta nito sa guidelines at safety protocols na kailangang sundin.
Malaking risk ito sa lahat.
Kahit nasa GCQ na tayo, ang dami pa ring nagpopositibo sa COVID-19.
Kaya kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.
Maraming mga pagbabago sa mga teleserye at iba pang panoorin ngayon.
Nag-iiba ang landscape. Mahirap mapag-iwanan.
Nandiyan ang digital, at sa pagpasok ng Kapamilya Channel sa cable, maraming posibilidad ito.
Puwedeng mag-team up ang ABS-CBN group ng mga Lopezes with Cignal ni MVP! Maiiba ang playing field!
Kaya nawala man sina Julia at Nadine sa Burado, pwedeng mai-cast sila sa ibang platforms na magbubukas. Marami tayong aabangan!
News
Nadine Lustre made the Thai actor’s jaw drop with his motorbike driving performance
Just a few days after the cast was announced, we’ve got the first photos from the new teleserye Burado starring Nadine Lustre, Thai actor Denkhun Ngamnet, Julia Montes, Zanjoe Marudo, and Paulo Avelino. The new photos hint at the action we’ll see in the upcoming series: Nadine rides a…
James Reid and Nadine Lustre, Vice Ganda gives Coco Martin her first taste of tear-jerking comedy, “Beauty and the Beast”
His struggling days are over, he has moved from his humble abode to this special enclave he calls his dream home and for now, he lords it over Philippine television through his top-rating teleserye, “Ang Probinsyano.” Coco Martin. Christmas for…
Jadine, Coco-Maja, who shouted the loudest during the Kapamilya Krismas 3 event?
Dalawang beses nag-kiss sina James Reid at Nadine Lustre nang matalo si Albie Casino sa dance showdown na ginanap bilang bahagi ng Kapamilya Krismas 3 event. Isa ito sa mga highlights ng star-studded event ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, noong Linggo,…
Aktor na si Joshua Garcia, nag-post ng isang compilation video kung saan makikita ang behind-the-scene clips ng kanilang movie ng aktres na si Julia Barretto na ‘Un/Happy For You.’
Joshua Garcia Shares Behind-the-Scenes Compilation of “Un/Happy For You” with Julia Barretto Joshua Garcia, the acclaimed Filipino actor, has delighted fans by sharing a special compilation video featuring behind-the-scenes moments from their upcoming film “Un/Happy For You.” The video, posted…
Joshua’s special blockscreening of Un/Happy For You with his family
Joshua Garcia’s Special Block Screening of “Un/Happy For You” with His Family Joshua Garcia recently hosted a heartwarming block screening of his highly anticipated film “Un/Happy For You”, and this time, it was extra special as he celebrated the occasion…
JoshLia behind the scenes for the upcoming movie: Julia Barretto and Joshua Garcia’s Highly Anticipated Comeback in “Un/Happy For You”
JoshLia Behind the Scenes: Julia Barretto and Joshua Garcia’s Highly Anticipated Comeback in “Un/Happy For You” The beloved tandem of JoshLia—Julia Barretto and Joshua Garcia—is officially back, making fans buzz with excitement as they reunite for the upcoming romance film…
End of content
No more pages to load