Babala ni Coco sa mga katrabaho: Kung may halong drugs, out ka na! – LA

Babala ni Coco sa mga katrabaho: Kung may halong drugs, out ka na!

Babala ni Coco sa mga katrabaho: Kung may halong drugs, out ka na!

HANGGA’T maaari ay iniiwasan ni Coco Martin ang paulit-ulit na magbigay ng pera sa mga artista at iba pang taga-showbiz industry na humihingi ng tulong sa kanya.

Mas gusto raw kasi ng Kapamilya Teleserye King na bigyan ng trabaho ang mga taong ito kesa paulit-ulit na mangutang o manghingi ng tulong pinansiyal.

“Ang hinihingi mo sa akin trabaho hindi naman pera. Kapag pera ang hinihingi mo sa akin, doon pa ako mapapaisip kasi alam ko pangtapal ‘yan o next hihingi ka ulit sa akin.

“Baka hindi na kita mapagbigyan kasi ang dami nang humihingi ng tulong. Pero kung trabaho ang gusto mo, hindi kita makakalimutan kasi at least iniisip mo na may gusto kang mangyari sa buhay mo,” ang pahayag ni Coco sa panayam ng online host na si Ogie Diaz na napapanood sa kanyang YouTube channel.

In fairness, talagang marami nang natulungang taga-showbiz industry si Coco, lalo na ang mga artistang hindi na aktibo sa paglabas sa telebisyon at pelikula.

Kabilang na nga riyan ang latest addition sa cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” na si Rod Navarro, Jr., ang anak ni late film and TV director na si Rod Navarro.

Talagang lumapit daw si Rod Jr. sa kanya para sabihing gustung-gusto nitong maging bahagi ng kanyang serye. At ngayon nga ay napapanood na siya sa “Batang Quiapo” bilang si Dindo, ang kanang-kamay ng karakter ni Irma Adlawan na si Olga.

Samantala, ibinahagi rin ni Coco ang mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang dati niyang serye na “Ang Probinsyano” at ang patuloy na success ng “Batang Quiapo.”

Coco Martin gagawa ng mga indie movie na ilalaban sa int'l filmfest |  Bandera

“Ang ‘Probinsyano’ at ‘Batang Quiapo,’ wala kasi siyang kwento. Kaya kahit saan ko siya dalhin, sinasalo lang ng viewers. Meron akong umpisa pero wala akong gitna at dulo.

“Kasi, sabi ko nga, paano aabot ang isang show ng seven years? Alam mo naman kapag gumagawa tayo ng teleserye, alam mo na kung saan pupunta ang kuwento, kung saan ang journey. Ako kasi ang dali kong ikabig, ang dali kong manipulahin,” lahad ng aktor.

Patuloy pa niya, “Medyo metikuloso ako pagdating talaga sa trabaho. Hindi sa akin puwede ‘yung puchu-puchu lang.

“Lagi kong sinasabi kahit kanino, every second binabayaran tayo. Hangga’t maaari, ayokong nakikita na may nagse-cellphone at naglalaro. Sabi ko, binabayaran tayo ng kumpanya.

“Kung ikaw ba ang boss, matutuwa ka na ‘yung tao mo naglalaro lang diyan?

“Pangalawa, gusto ko naka-uniporme tayo para may representasyon ang kumpanya. Pangatlo, dahil nanggaling ako sa pagiging talent, gusto ko kahit papaano ‘yong mga talent may tent na at saka may upuan saka lamesa.

“Dapat meron din silang sariling portalet para hindi naghahalo ‘yung mga artista saka talent,” sabi pa no Coco na sinisiguro ring palaging busog ang lahat ng kanyang katrabaho.

At ang pinakamahalaga raw sa lahat ay mapanatiling drug-free ang kanilang set, “Ang pinakaayaw ko kasi, ‘yung nagtatrabaho ka para sa bisyo mo.

“Gusto ko, nagtatrabaho ka para sa future mo at sa family mo. Kasi kung may halong kalokohan ‘yan, may halong drugs ‘yan, out ka na kahit magtampo ka pa sa akin,” mariing sabi pa ni Coco kay Mama Ogs.

Inamin ng aktor na may isa silang katrabaho sa serye na nag-positive raw sa drugs kaya pinag-leave muna niya ito at bumalik na lang kapag negative na sa paggamit ng droga at tuluyan nang tumigil sa bisyo.

read the Privacy Policy.

“Kung seryoso ka at mahal mo trabaho mo, aalagaan mo ‘yon at iingatan mo,” sabi pa ni Coco Martin.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News