Mayor Mark Alcala tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn

Mayor Mark Alcala tikom ang bibig sa panliligaw kay Kathryn

SINUBUKAN ng talent manager na si Ogie Diaz na tanungin ang Lucena Mayor na si Mark Alcala tungkol sa kumakalat na chikang isa siya sa mga nanliligaw sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” ay naikuwento ni Ogie ang kanyang paglapit sa alkalde upang tanungin kung may katotohanan bacang nasabing balita.

Ngunit sa kabila ng pagpapadala ng mensahe ay hindi raw siya sinagot ni Mayor Mark.

“Syempre mine-message ko sa kaniyang Messenger si Mayor. Tinanong ko na nga tungkol doon […] Walang sinabi. Dedma,” saad ni Ogie.

 

“No’ng una, sabi ko: ‘Mayor, dedma, ha. Hahahaa,” sabi pa raw ni Ogie kaybMayor Mari.

Kalaunan ay nag-reply raw ito at sinabing, “Sorry, Tito, medyo busy. SOCA [State of the City Address] ako tomorrow.”

Dito ay tinanong na ni Ogie si Mayor Mark kung may katotohanan ba ang chismis na isa siya sa mga umaaligid ngayon kay Kathryn.

“Tapos, inano ko na, gusto ko lang malaman kung nanliligaw siya kay Kathryn. Hindi siya sumagot. So, sabi ko, ‘True nga na nanliligaw ka Mayor kay Kathryn?’ Hindi pa rin sumagot [si Mayor Mark],” kwento ni Ogie.

Matatandaang kamakailan nang umugong ang balitang isa ang alkalde sa mga bagong nanliligaw ngayon kay Kathryn.

Samantala, wala pa namang pahayag si Kathryn hunggil sa choka dahil kasalukuyan itong nasa Canada kasama sina Alden Richards para sa shooting ng kanilang pelikulang “Hello, Love, Again”.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News