Nagpaunlak kamakailan ang TV host na si Kim Atienza na mas kilala sa showbiz bilang Kuya Kim ng isang panayam sa showbiz vlog ni Ogie Diaz.
Sa nasabing vlog na ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nila ang ibinahaging tweet noon ni Kuya Kim para kay John Pratts na naging isa sa mga director ng It’s Showtime.
Matatandaan na nag-viral noon ang tweet ni Kim Atienza kung saan binati niya si John Pratts bilang bagong direktor ng It’s Showtime subalit ang nakapagbigay ng intriga ay ang side comment ni Kim Atienza na talagang magaling si Lord dahil iniwas na siya sa sakit ng ulo.
Ayon sa naging pahayag ni Kuya Kim sa panayam ni Ogie Diaz, na-misinterpret ng maraming mga netizens ang naging mensahe niya kay John. Inilahad pa ni Kuya Kim na ang naging mahirap sa Twitter ay ang pagiging limitado ng mga maaring sabihin sa post dahilan para mawawala ang context ng kanyang sinasabi.
Nilinaw ni Kuya Kim na ang ibig niyang sabihin sa tweet niya ay baka sumakit ang ulo ni John Pratts dahil sana’y itong mag-direk ng mga pelikula at teleserye, hindi umano ito katulad sa It’s Showtime na isang live show.
Ipinahayag pa ni Kuya Kim na laging sumasakit ang ulo ni Bobet Vidanes sa pagdi-direct ng It’s Showtime dahil live show ito at talagang mahirap umano na kakailanganin ang mga bagong set of skills.
Nilinaw rin ni Kuya Kim na hindi pasaring sa mga dating kasamahan niya sa show ang sinabing masakit sa ulo, lalo na si Vice Ganda.
Nagkataon lamang umano na kalilipat pa lamang niya sa GMA7 sa mga panahong iyon kaya naman nabigyan ng kulay ng ilang mga netizens ang kanyang naging tweet.
Naging sensitive rin lamang umano ang ilang mga netizens dahil kakalipat pa lamang niya at nagtatanong pa ang marami kung bakit bigla na lamang siyang umalis sa It’s Showtime.
Iginiit din ni Kuya Kim, na walang malisya para sa kanya ang naging post niya, subalit hindi na niya mababawi dahil nag-viral na sa ilang mga social media platforms.
Gayunpaman, nilinaw ni Kuya Kim na maayos naman ang relasyon nila ni Vice Ganda at hindi naman umano sila naging magkaaway, may mga hindi pagkakaunawaan silang dalawa subalit naayos naman umano nila ito.
Isa sa mga hindi pagkakaunawaan nila ay iyong naging komento niya kung saan lumalabas na kinakampihan niya si Karylle noong nagkaroon ng isyu ang It’s Showtime.
Ayon kay Kuya Kim, naging padalos-dalos siya dahil inaanak niya si Karylle at malapit siya rito, hindi na umano niya naisaalang-alang kung ano ang totoong naganap sa show,
Gayunpaman, naayos na umano nila ito ni Vice Ganda at nakapag-usap na sila ng matagal para maging malinaw ang lahat.
Iginiit din ni Kuya Kim na hindi siya fighter kundi isang lover.
News
Anak ni Cristine Reyes na si Amarah, Nagwagi ng Tatlong Medalya sa Gymnastics Tournament sa Hong Kong!
Ipinagmamalaki ngayon ng aktres na si Cristine Reyes ang tagumpay ng kanyang anak na si Amarah Khatibi matapos itong magwagi ng tatlong medalya sa isang gymnastics tournament sa Hong Kong. Ipinakita ni Amarah ang kanyang galing at dedikasyon…
RR Enriquez, May Opinyon sa Crop Top Outfit ni Carlos Yulo: ‘Hindi Na Ako Magtataka Kung Magladlad Siya Balang Araw’
Kilalang ‘Sawsawera Queen,’ muling nagbigay ng kanyang opinyon si RR Enriquez at ngayon ay patungkol ito sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na kamakailan ay naging usap-usapan dahil sa pagsusuot niya ng crop top. Sa…
Chloe San Jose, Matapang na Sinagot ang mga Kritiko: “Responsibilidad ng Magulang ang Turuan ang mga Anak na Huwag Mag-isip ng May Malisya”
Hindi pinalampas ng content creator at nobya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang mga bumabatikos sa kanyang desisyon na hindi magsuot ng bra sa isa sa kanyang mga larawan…
Buntis Nga Ba si Chloe San Jose? Carlos Yulo, Excited na sa Pagiging Isang Ama: Excited na ko maging daddy”
Naging usap-usapan sa social media ang tila pagbibigay ng pahiwatig ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na posibleng nagdadalang-tao na ang kanyang nobyang si Chloe San Jose. Nagsimulang magtanong ang mga netizens kung buntis nga ba si…
“Bakit Ako Pupunta Roon? Ipapahamak Ko Pilipinas?” Vice Ganda, Inamin Kung Bakit Ayaw Pumasok Sa Politika Kahit Siguradong Mananalo
Ibinahagi ng kilalang komedyante at TV host na si Vice Ganda ang kanyang mga dahilan kung bakit hindi siya pumapasok sa politika, kahit na may mga pagkakataong inalok siya ng mataas na posisyon at malaki ang tsansang manalo dahil…
Mark Andrew Yulo, Ginagamit Lang Ba ang Kasikatan ni Carlos Yulo para sa Pulitika? Mga Netizens, Hati ang Opinyon!
Hindi maiwasang magtanong ng mga netizens kung ginagamit nga lang ba ni Mark Andrew Yulo, ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ang kasikatan ng kanyang anak at ang kontrobersiya na bumabalot sa kanilang pamilya…
End of content
No more pages to load