Shookt na shookt si Barbie Forteza sa kumalat na balitang break na raw sila ni Jak Roberto.

barbie forteza jak roberto swimwear

Tamang-tama naman, nasa media conference ito ng bagong primetime series niya sa GMA-7 na Maria Clara at Ibarra, kaya tinanong na rin namin ito sa kanya.

“Break na kami?

“Diyos ko, tatawagan ko! Hindi kasi namin alam! I-inform ko siya para alam niya,” bulalas ni Barbie na lalo pang gumaganda noong Setyembre 23, Biyernes, sa Barbara’s Heritage Restaurant, Intramuros, Manila.

“Last time I checked, wala namang nababanggit sa akin si Jak.

“Magkasama kami kanina, hinatid namin ang kapatid ko at yung pamangkin ko pabalik ng Amerika, hinatid namin sila sa airport.

“Very hands-on ninong siya sa pamangkin. Very touching for me, kasi naunang umuwi yung kapatid ko from the US bago ako nakapag-leave sa trabaho.

How does Barbie Forteza maintain her fit figure? | GMA News Online

“So, habang wala ako, siya talaga yung naging hands-on. Siya talaga yung nag-asikaso sa kapatid ko, sa buong family ko while I’m gone.

“Lagi siya nagpupunta sa bahay to check on my parents, yung mga tsikiting naming mga aso sa bahay, yun.

“Nagulat naman ako. Break na naman kami?!? Nag-break na kami dati, a,” natatawang pahayag ni Barbie.

Sobrang happy ni Barbie ngayon dahil bukod sa okay na okay ang lovelife niya, ang laki ng pasasalamat niyang sa kanya ipinagkatiwala itong Maria Clara at Ibarra kasama sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, Rocco Nacino, Juancho Trivino, Tirso Cruz III, Manilyn Reynes at marami pa.

Barbie Forteza - 👙💙 | Facebook

Magsisimula na ito sa October 3 na papalit sa timeslot ng Lolong na nasa final week na.

NOEL FERRER

Muling paglilinaw ni Barbie tungkol sa kanila ni Jak, “To clear everything, napakasaya po ng puso ko ngayon dahil masayang-masaya po kami ni Jak.

“I cannot explain how happy we are right now. And yun nga, nakasama ko ang pamilya ko, nakasama ko ang kapatid ko, ang pamangkin ko, ang brother-in-law ko kasama si Jak with my whole family.

“Nagkaroon ako ng time para makasama sila nang matagal. And ngayon, meron akong napakalaking proyekto, which I’m very thankful for.”

Barbie Forteza and Jak Roberto's beach pics set Instagram ablaze | PEP.ph

JERRY OLEA

Nakita namin ng katotong Allan Diones si Jak noong Setyembre 20, Martes ng gabi, sa Starbucks Imperial Palace Suites sa T. Morato Ext., Quezon City.

Nag-coffee break si Jak sa pag-e-edit ng vlog. Bakas sa mukha ng binata ang kasiyahan, kaya nang makita namin noong Biyernes ang paandar na kesyo wala nang JakBie ay hindi kami makapaniwala.

Ayun na nga, fake news iyon! Lalo pang tumatatag at tumitibay ang pagmamahalan nina Jak at Barbie!

Sa trailer ng Maria Clara at Ibarra ay naipakita ang lumang simbahan ng Sarrat, Ilocos Norte, ang Santa Monica Parish Church.

Ang Sarrat ang hometown ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos. Sa simbahang iyon ikinasal sina Irene Marcos at Greggy Araneta noong 1983.

Napaka-romantic ng ambience sa simbahan, at puwede iyong venue ng pag-iisang dibdib ng JakBie!!!