“That’s more than enough.”
Ito ang pahayag ni Alden Richards tungkol sa pagbisita sa kanya ni Daniel Padilla sa last shooting day ng Hello, Love, Goodbye.
Magkatambal sa pelikulang ito ng Star Cinema si Alden at ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
Sa episode ng Magandang Buhay ngayong July 30, Martes, kinumpirma ni Alden na nag-text siya kay Daniel nang simulan ang shooting ng Hello, Love, Goodbye.
Pero hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Daniel.
“Hindi po immediately,” pagkumpirma ni Alden.
Pero nauunawaan daw ng Eat Bulaga! host ang pinanggagalingan ni Daniel.
Saad niya, “Naiintindihan ko naman.
“Kasi, parang tama naman si DJ [palayaw ni Daniel] nung napanood ko po yung interview niya before.
“Siyempre, hindi naman po kami ganoon masyado magkakilala.
“Parang, ano nga naman ang isasagot niya doon sa message?”
Ikinuwento ni Daniel sa isang interview noong May 23, 2019 na nakatanggap siya ng text message mula kay Alden.
Iyon daw ang panahong sinisimulan na nina Alden at Kathryn ang shooting ng kanilang pelikula.
“Pero hindi lang ako nakapag-reply pa, at hindi pa kami nagkikita,” paliwanag ni Daniel sa interview.
Ibinunyag din ni Daniel ang rason kung bakit hindi siya nag-reply kay Alden.
“Isipin mo, ano ang ire-reply ko sa isang text na ganoon, hindi ba?”
DANIEL VISITS ALDEN
Pinanindigan ni Daniel ang kanyang naging pahayag dahil sa huling shooting day nina Kathryn at Alden, dumalaw ang Kapamilya actor at personal na pinuntahan ang Kapuso actor sa tent nito.
Pagbabalik-tanaw ni Alden, “The good thing about that, nung last day po namin sa set, nagpunta si DJ sa tent ko with Kath.
“[Daniel] congratulated me personally.
“Parang sabi ko na, for him to consider making time para pumunta sa akin to congratulate me for the movie, okay na po ako doon.
Inusisa si Alden kung ano ang sasabihin niya kay Daniel kung nabigyan sila ng pagkakataong magkita nang mas maaga, at hindi idinaan sa text message.
“Siyempre po magpapasalamat ako,” sagot niya.
“Yun po actually yung composition nung message… na nagpasalamat ako kasi pinayagan ni DJ si Kath na makatrabaho ako.
“Si Tita Karla [Estrada, ina ni Daniel] din minessage ko that time, na parang it’s a way [of showing] courtesy din, e.
“Parang pasintabi, kasi siyempre alam ko naman po for the longest time, si Kath and DJ magkasama.
“And parang bago ito sa kanila na mapi-pair up si Kath sa ibang partner.”
Sabi pa ni Alden, “It’s really a way of being a gentleman to Kath and DJ in respect to their relationship.”
News
Kim and Paulo spill details on viral kissing scene in “What’s Wrong With Secretary Kim”
Lead stars of the Viu original adaptation “What’s Wrong With Secretary Kim,” Kim Chiu and Paulo Avelino, candidly opened up about their now iconic “cabinet kissing scene” that went viral on social media recently. During the official TV poster reveal…
Kim Chiu and Paulo Avelino lead cast farewell appreciation event for success of ‘Secretary Kim’ series
MANILA — More than 3,000 fans gathered at the Market, Market Activity Center in Taguig to watch Kim Chiu, Paulo Avelino and the whole cast of ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’ thank their loyal fans and followers of their series….
“Shocking Rift? Daniel Embarrasses Kathryn and Alden? Alden’s Deep Concern for Kathryn Exposed!”
Nagkaroon ng usap-usapan sa social media tungkol sa diumano’y tensyon na nangyari sa pagitan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Alden Richards sa isang kamakailang event. Ayon sa mga nakasaksi, tila napahiya si Kathryn nang biglang nagsalita si Daniel sa…
“Shocking Revelations! Cristy Fermin Can’t Contain Excitement Over Kathryn Bernardo, Alden Richards, and Daniel Padilla’s Surprising Silence!”
Sa isang kamakailang episode ng kanyang show, hindi na napigilan ng veteran showbiz reporter na si Cristy Fermin ang kanyang kilig nang pag-usapan ang tatlong malalaking pangalan sa industriya: Kathryn Bernardo, Alden Richards, at Daniel Padilla. Ang usapan ay tila…
SOBRANG GANDA!! INILANTAD na!!Ang anak nila ni coco Martin at Julia Montes!!OMG!!
Kamakailan ay naging usap-usapan ang mga larawan nina Sam Milby at Julia Montes na kasama ang isang batang babae na nasa limang taong gulang nang dumating sila sa Puerto Princesa, Palawan noong Setyembre 17. Ang kanilang pagbisita ay para sa…
A Timeline of Kim Chiu and Paulo Avelino’s Real Chemistry Off and On Screen
Kim Chiu and Paulo Avelino set a new standard to love teams by keeping their chemistry as real and natural as it gets through their bond ith a community inspired by the force of love, there is no denying that…
End of content
No more pages to load