– Hot topic si Carlos Yulo hindi lamang bilang isang atleta kundi pati na rin sa kanyang natatanging fashion sense
– Naging usap-usapan ang suot niyang cropped shirt sa isang biyahe sa South Korea kasama ang kasintahang si Chloe San Jose
– Maraming netizen ang humanga sa kanyang pagiging nonconformist sa pananamit
– Pareho silang mahilig sa fashion at luxury brands ng kanyang kasintahan na si Chloe
Si Carlos Yulo, na kilala bilang “Golden Boy” ng Pilipinas, ay unti-unting nagiging usap-usapan hindi lamang dahil sa kanyang galing sa larangan ng gymnastics kundi pati na rin sa kanyang kakaibang fashion sense.
Carlos Yulo, nagbahagi ng bagong pictures kasunod ng mga komento sa ‘crop top’ outfit niya (@c_edrielzxs | Instagram) Source: Instagram
Sa kanyang mga post sa Instagram, napansin ng mga netizen ang pagkahilig ni Carlos sa mga modernong kasuotan, kabilang na ang kanyang mga outfit sa biyahe nila sa South Korea kasama ang kanyang kasintahang si Chloe San Jose, isang content creator.
Isa sa mga pinag-usapang outfit ni Carlos ay ang kanyang suot na cropped shirt na nakapukaw ng atensyon ng online community. Marami ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon ukol dito, ngunit karamihan ay sumusuporta sa kakaibang estilo ni Carlos. Napuno ang comment section ng mga papuri mula sa kanyang mga followers na humanga sa kanyang pagiging hindi tradisyonal sa pananamit.
Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi siya ng kanyang solo pics kasunod ng nag-viral niyang picture kasama si Chloe suot ang kanyang cropped shirt.
Hindi lamang si Carlos ang may hilig sa fashion, kundi pati na rin ang kanyang kasintahang si Chloe. Ayon sa ilang tagasubaybay, pareho nilang sinusuportahan ang kani-kanilang mga istilo, kaya’t lagi silang nagiging patok sa mata ng publiko kapag magkasama. Malinaw na ang “Golden Boy” ng Pilipinas ay hindi lamang magaling sa pagbuo ng mga panalong performance sa gym, kundi pati na rin sa pagbuo ng mga makabagong fashion ensemble para sa anumang okasyon.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
News
Chloe San Jose, naniniwalang gabayan dapat ng magulang mga anak sa pagtingin ng mga pics
– Chloe San Jose, in a screengrab of her reply to a comment shared by FashionPulis, expressed her belief that parents should guide their kids when looking at photos – Earlier, a netizen commented on her post showing photos of…
Regalong Singsing Ni Paulo Avelino Kay Kim Chiu, Million Ang Halaga!
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang regalong singsing ni Paulo Avelino para kay Kim Chiu, na tinatayang nagkakahalaga ng milyon. Ang Kapamilya actress at rumored partner ni Paulo ay naging sentro ng atensyon dahil sa kanyang agaw-pansin na alahas. Ayon…
Nadulas, Kim Chiu Tinawag Na Papi Si Paulo Avelino
Binati ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang pagkapanalo sa Seoul International Drama Awards 2024 na ginanap noong Setyembre 25, Miyerkules. Sa kanyang post sa X, ipinahayag ni Paulo ang kanyang pagbati gamit ang isang…
Carlos Yulo Muling Tinanggal Bilang Endorser Ng Isang Kilalang Company Dahil Sa Isyu Sa Pamilya!
Kasalukuyan, kumakalat ang balita sa social media tungkol sa pag-atras ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas sa kanilang plano na kunin si Carlos Yulo, ang two-time gold medalist, bilang bagong endorser. Ayon sa mga ulat, tinanggal na si Carlos…
Janella Salvador Nagsalita Sa Isyu Sa Its Showtime, Kim Chiu at Vice Ganda Imbiyerna!
Mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans ng aktres na si Kim Chiu dahil sa pagbibiro nito noong naging guest ito sa It’s…
“OMG” Daniel IPINAGTAPAT kay Kathryn na isa siyang BAKLA na Sobra Niyang IKINAGULAT!
In an unexpected revelation, Filipino actor Daniel Padilla has reportedly come out as gay to his longtime on-screen partner, Kathryn Bernardo. This unexpected announcement has left Bernardo, along with their fans and the rest of the entertainment industry,…
End of content
No more pages to load