Kumpirmado nang may pinagdadaanan ngayon ang engaged celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.
Kinumpirma mismo ng kinabibilangang talent management agency nina Catriona Gray at Sam Milby, ang Cornerstone Management na totoong may pinagdadaanang pagsubok ang relasyon ngayon nina Catriona Gray at Sam Milby.
Gayunpaman, iginiit ng Cornerstone Management na kasalukuyang inaayos nina Sam Milby at Catriona Gray ang kanilang problema kung ano man iyon. Hiniling naman ng Cornerstone na bigyan ng privacy ang dalawa habang wino-work out pa nila ang kanilang relasyon.
Unang kumalat ang mga bali-balitang on the rocks na ang relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby ng mapansin ng maraming mga netizens na hindi na sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring.
Natahimik naman ang balitang ito nang kumalat ang larawan nina Catriona Gray at Sam Milby na tila nakikipag double date kasama sina John Pratts at asawa nito.
Subalit, muling nabuksan ang usaping hiwalay na ang dalawa ng matalakay naman ito ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog. May mga sources umano siya na nagsasabing matagal ng hiwalay ang dalawa dahil napagtanto umano ng aktor na si Sam Milby na hindi pa siya handa sa responsibilidad na dala ng matagalang commitment ng pagpapakasal.
Sa kabila naman ng pakiusap ng Cornerstone na respetuhin muna ang sitwasyon nina Catriona Gray at Sam Milby sa gitna ng pagsasaayos sa kanilang relasyon, at mabigyan sana ng privacy ang dalawa, may ilan pa rin sa mga netizens ang nagbibigay ng mga spekulasyon patungkol sa hindi pinagkasunduan ng dalawa.
May mga nagbibigay rin ng pangalan ng ilang mga personalidad na maaring sangkot sa posibleng hiwalayan ng dalawa. Kabilang sa mga pinaghihinalaan ay ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
May mga naglabasan na mga tsika na umano’y si Alden Richard ang totoong dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Catriona Gray at Sam Milby. Binibigyan kasi ng mga netizens ang pinagsamahang proyekto nina Catriona Gray at Alden Richards kamakailan lamang.
Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, marami ang nag-lilink kay Catriona Gray subalit iginiit ni Cristy Fermin na walang katotohanan ang balitang ito at ipinagtanggol si Alden Richards sa mga taong gumagawa ng mga intriga.
Ipinunto pa ni Cristy Fermin na hindi naman masasabi na may namamagitan na kaagad sa kanila sa pagsasama nila sa iisang endorsement.
News
Carlos Yulo Inamin Na Interesado Makapasok Sa Batang Quiapo! Coco Martin Interesado Din Kay Caloy!
Sinabi ni Carlos Yulo, na isang dalawang beses na Olympic gold medalist, na siya ay handang magpakita sa kilalang programa ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo. Ang kanyang pahayag ay nagbigay tuwa sa maraming tagahanga at nakabighani sa interes…
Gerald Anderson Nagpakatotoo Sa Kanyang Naramdaman Ng Muling Magtambal Ang Mag-Ex Na “JoshLia”
Maraming nagtataka kung totoo ang sinasabi ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson na wala siyang naramdaman na “kung ano” sa muling pagsasama nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang pelikula. Naging usap-usapan kasi ang pagbalik-tambalan ng kanyang…
Angelica Yulo Nag Live Selling Para Kumita Ng Extrang Pera, Nasaan Si Carlos?
Ang pamilya ng dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ay nagpasya na sumubok sa live-selling upang magdagdag sa kanilang kita. Ang kanilang ina na si Mrs. Angelica Yulo ay nagbahagi ng iba’t ibang mga produkto sa…
Kim Chiu Pinagpapahinga Sa Showtime Dahil Dito
Patuloy na pinag-uusapan ng mga netizens ang nakakaaliw na pagtambal nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa Kalokalike Phase 4 ng It’s Showtime. Ang segment na ito ay isa sa mga paborito ng mga manonood dahil sa nakakatuwang pagpapanggap at…
Luis Manzano, inokray mga bashers ng interview niya kay Chloe San Jose
– Luis Manzano took to the comments section of his post to write humorous replies to some netizens’ comments – His posts, which consisted of videos and screengrabs from his interview video showing Chloe San Jose, was met with mixed…
Pilipinas Wagi! Arjo Atayde Best Male Lead Kathryn Bernardo Movie Nakakuha Ng Bronze Award
Talagang napakasaya at labis na ipinagmamalaki si Maine Mendoza sa pagkakapanalo ng kanyang asawa, si Arjo Atayde, bilang Best Male Lead in a TV Programme sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap sa Taipei, Taiwan noong Huwebes ng gabi (Setyembre 5)….
End of content
No more pages to load