SA murang edad, inatake rin ng matinding lungkot at depresyon ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao.
Maling-mali raw ang iniisip ng mga tao na walang problema ang kanilang pamilya at palagi na lang silang masaya at nagkakaintindihan.
Pag-amin ng anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, nakaranas din siya ng depresyon noon at sa katunayan, tinangka pa niyang saktan ang sarili dahil feeling niya ay wala na siyang purpose sa mundo.
Naibahagi ni Michael ang tungkol dito sa panayam sa kanya ng news anchor at TV host na si Julius Babao na napapanood na ngayon sa kanyang YouTube channel.
Ayon sa binata, kahit na alam niyang nagkakaroon siya ng isyu about his mental health ay hindi pa niya ito agad ipinaalam sa kanyang parents.
“I would just smile, but deep inside it’s like empty. I was dwelling in it. I was thinking about it too much.
Pagasa: Signal No. 1 up in 10 areas, Typhoon Carina keeps strengthPagasa: Signal No. 1 up in 10 areas, Typhoon Carina keeps strength
“Akala ko super big problem na yung depression. I didn’t know where I was going with my life,” paliwanag ng binata.
Kasunod nito, naisipan nga niyang saktan ang kanyang sarili pero agad niyang naramdaman na hindi ito ang dapat niyang gawin sa gitna ng kanyang pinagdaraanan.
“Naisip ko what would my parents think. Tsaka what would they think of me doing this,” ani Michael. At nang mag-open up na siya kina Manny at Jinkee, “They comforted me. My dad talked to me. We prayed. I felt nice, I felt better.”
Sabi pa ni Michael Pacquiao, ibinuhos niya ang kanyang panahon at atensiyon sa pagwo-workout at pagboboksing. Nag-concentrate rin siya sa kanyang passion sa music.
Sa tanong ni Julius kung ano ang maibibigay niyang advice sa mga tulad niyang kabataan na dumaranas din ng depresyon.
“It’s just a feeling kasi mawala rin naman ang feeling. Yung mali ko, nag-focus ako doon sa sadness,” sabi pa ng binata.
Pagkatapos ng kanyang mga pinagdaanan, nalaman na rin niya ang kanyang purpose in life, “To help encourage, influence, other people.” Ang Diyos na rin daw ang nasa center ng kanyang buhay.
Samantala, tungkol naman sa isyu ng pagiging mayaman ng kanyang pamilya, natanong si Michael kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing mas hayahay daw ang buhay ng lahat ng Pinoy kung kasing-yaman ni Pacman.
“Funny when people say that. They don’t know talaga. Just because na mayaman kami, wala nang problems ‘cause money doesn’t solve all problems.
“I still have many problems personally. I’m glad I have people beside me to help me go through it,” sabi pa niya.
“It’s not fulfilling (pagiging rich) based on my experience now. There was a time I would ask my mom or I would just buy that what you want.
“I thought it would make me happy, make me satisfied, make me fulfilled. But it’s not the case. It’s not permanent.
“In my experience, the most satisfying, the most enjoyable things that I’ve done were the most satisfying, like hang out with friends. Yung mga simple lang, I like food outside,” pahayag pa ni Michael Pacquiao.