julia montes 7th the eddys best actress

Nagpaunlak si Julia Montes ng panayam sa entertainment media pagkatapos ng awarding ceremony ng 7th The EDDYS.

“Ayyyy!” parang kinikilig niyang reaksyon sa sinabi naming hinihintay na isi-share niya kay Coco Martin ang nakuha niyang award.

Nakuha ni Julia ang Best Actress award at isa siya sa anim na Box-Office Heroes ng 7th The EDDYS, pero hindi niya nabanggit si Coco sa acceptance speech.

Sa katunayan, bago siya pumunta sa Marriott Grand Ballroom para dumalo sa 7th The EDDYS ay pinadalhan pa siya ni Coco ng flowers na parang ito siguro ang lucky charm niya nung gabing iyun.

“Ay, hehehe! Baka nga po,” natatawang sagot ni Julia.

Lagi naman daw nakasuporta sa kanya si Coco, lalo na sa kanyang career.

“Sobrang lagi po siyang supportive. Lahat naman po siguro na napuntahan ko ngayon, narating ko po ngayon, parte rin naman po siya,” lahad ni Julia.

“Dahil una po ang Walang Hanggan, siya po ang nakasama ko dun hanggang… nung nag-e-extra pa lang po kami, kami na rin yung magkasama.

“So, parang parte na rin po ng naging journey ko.”

Napag-usapan na rin ang nakaraang bakasyon nila sa Europe na dapat ay makapagpahinga raw ang Hari ng Telebisyon.

Ang awards night ng 7th The EDDYS ay ginanap nitong Hulyo 7, 2024 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Ang delayed telecast ng 7th The EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 14, 2024, Linggo, sa ALLTV.

7th the eddys winners