“Medyo matagal din yung relationship namin at hindi ako nagmamadali. God will always take care of you, you just have to trust in Him. Pag sinurender mo ang lahat ng problema, fears, doubts, and whatever kay God, everything will be okey soon,” says Karylle.
Nang kumpirmahin nina Karylle at Dindong Dantes ang breakup nila pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon, marami sa malalapit na tao at kaibigan ng dalawa ang umasa pa ring baka mauwi sa balikan ang paghihiwalay ng dating magkasintahan. Pero namatay ang pag-asa nila nang magdesisyon si Karylle na lumipat ng TV network, mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN.
Sinasabing ang dahilan ng paglipat ni Karylle ay para umiwas na ring magtagpo pa ang landas nila ni Dingdong. Dahil sa isang network lang sila nagtatrabaho ay hindi maiiwasang magkita sila nang madalas.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Karylle sa 22nd Star Awards for TV kagabi, November 30, kung saan isa siya sa naging performers.
COPING MECHANISM. Sinabi rin ni Karylle na sumailaim siya sa isang religious retreat para matanggap niya nang bukal sa loob at makayang harapin ang breakup nila ni Dingdong. Nakatulong daw ito nang malaki sa kanya, gaya ng pagtanggap at pang-unawa niya sa paghihiwalay noon ng kanyang mga magulang.
“Pag nag-break kayo, it’s a road less traveled kasi mas pipiliin nga naman yung mag-party ka, gumimik,” sabi ni Karylle. “But for me kasi, I’ve gone through a family healing after my dad and my mom separated at nakatulong yun sa akin. Although it was really late na, 20 na ako nun… My parents got separated when I was six. So I know it would really help me heal, yung totoo, ha, yung di plastic. Alam ko na even if it’s a breakup, especially one that’s really public, kailangan ko yun and I was open for help.”
Sinabi rin ni Karylle na ipinaalam nila ni Dingdong ang kanilang breakup with their respective families.
“Pinaalam lang namin, and regarding my dad’s [Dr. Modesto Tatlonghari] reaction, I think hindi ko na kailangang i-explain yun. Mommy ko [Zsa Zsa Padilla] naman, pag-uwi niya, siya na lang ang tanungin ninyo. I still have communication with Dong’s family a month ago, pero ngayon wala na,” lahad ng singer-actress.
News
Barbie Imperial Usap-usapan Ang ‘Jowa Reveal’
Barbie Imperial Usap-usapan Ang ‘Jowa Reveal’ Sa wakas, tinuldukan na ni Barbie Imperial ang matagal nang katanungan ng mga netizens tungkol sa estado ng kanyang love life. Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, ibinahagi ni Barbie ang masaya at makulay na…
NAKASAMA NINA KYLIE PADILLA AT NG DALAWANG ANAK NYA SI ALJUR ABRENICA?
Kylie Padilla at Aljur Abrenica, Magkasamang Dumalo sa School Event ng Kanilang mga Anak – Pagpapatunay ng Kooperasyon para sa Pamilya Sa gitna ng mga ispekulasyon tungkol sa relasyon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, muling pinakita ng dalawa ang…
ANGELICA YULO, INALOK NA TUMIRA SA BAHAY NA NAGKAKAHALAGA NG P95-M?
ANGELICA YULO, INALOK NG LUXURY HOUSE NA HALAGA P95-M: Biopic Tungkol sa Kanyang Buhay Bilang Ina ni Carlos Yulo, Niluluto na! Usap-usapan ngayon ang posibilidad ng isang biopic tungkol sa buhay ni Angelica Yulo, ina ng Olympic gold medalist na…
AI-AI DELAS ALAS: Ang Pagpupursige Para sa Pangarap ni Gerald Sibayan – Pinag-aral Bilang Piloto at Pinetisyon sa Amerika
AI-AI DELAS ALAS: Ang Pagpupursige Para sa Pangarap ni Gerald Sibayan – Pinag-aral Bilang Piloto at Pinetisyon sa Amerika Bago pa man naghiwalay sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, isang patunay ng kanyang pagmamahal at suporta ang mga pagsisikap…
PAANO MINAHAL SI CHERIE GIL? “Tapos na ‘yun, may anak kami pero we never live together naman
“Paano Minahal si Cherie Gil? ‘Tapos na ‘yun, May Anak Kami Pero We Never Lived Together Naman’ – Leo Martinez” Sa isang emosyonal at matapat na panayam, nagbukas si Leo Martinez tungkol sa kanyang nakaraang relasyon sa yumaong aktres na…
VIDEO VIRAL: IMPROMPTU CHIKAHAN WITH MY LOYAL ANGELS!
“Impromptu Chikahan with My Loyal Angels!”: Small Laude, Nagpasaya ng Mga Tagasubaybay sa Isang Masayang Kwentuhan Sa isang hindi inaasahang live stream, muling pinatunayan ni Small Laude kung bakit isa siya sa mga pinaka-mamahalin at sinusubaybayang personalidad sa social media….
End of content
No more pages to load