andrea brillnates kathniel breakup

Hindi na malilimutan ni Andrea Brillantes ang petsang Nobyembre 30, 2023, ang 160th birth anniversary ng bayaning si Andres Bonifacio na kapareho ng initials ng kanyang pangalan.

Ito kasi ang araw na dinurog nang husto ng netizens ang pagkatao ng Kapamilya young actress.

Ilang minuto matapos kumpirmahin ni Kathryn Bernardo, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, kinuyog na si Andrea ng mga tagahanga ng KathNiel.

 

Naniniwala ang karamihan ng KathNiel fans na si Andrea ang dahilan ng pagkasira ng relasyon ng kanilang mga iniidolong artista.

“Congratulations!” ang karamihan sa mga komento sa official Facebook page ni Andrea, na may 17 million followers.

Pero may himig ng pangungutya ang pagbati sa kanya dahil nagtagumpay umano siyang wasakin ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

Higit na matitindi, masasakit at personal ang mga batikos kay Andrea sa kanyang Instagram page na may 13.9 million followers.

Literal na minumura siya ng mga galit na galit na mga tagahanga ng KathNiel, lalo na ng mga sumusuporta kay Kathryn.

kathniel andrea brillantes

Twenty years old pa lamang si Andrea.

Sa tindi ng mga masasakit na paratang laban sa kanya, imposibleng hindi maapektuhan ang kalusugan ng kanyang pag-iisip kaya mas makabubuting ipahinga muna niya ang sarili mula sa pagbabasa ng mga komento at mensahe ng fans na kinokondena siya.

Kailangan din niya ng wastong paggabay mula sa mga propesyonal para hindi siya talunin ng depresyon.

Hindi na nawalan ng kinasasangkutang kontrobersiya si Andrea buhat nang maghiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero, na kinumpirma nito noong June 2023.

Inakusahan ni Andrea ng cheating si Ricci sa kanilang relasyon kaya nakuha niya ang simpatiya ng publiko at kaliwa’t kanan ang inabot na batikos ng kanyang dating boyfriend.

Nakadagdag sa paninira kay Ricci ang rebelasyon ni Andrea na hindi naglalaba ng damit ang ex-boyfriend.

Pero sa gitna ng mga natanggap na paninira mula sa mga tagasuporta ni Andrea, hindi nagpatinag si Ricci.

Hamon pa nga niya sa isang tagapagtanggol at kaibigan ng kanyang ex-girlfriend: “Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?