Andrea Brillantes

Andrea Brillantes ang dahilan ng kanyang viral na pagbi-baby talk ay kanyang natural na boses at hindi niya sinasadya.

Lumalabas umano iyon nang kusa lalo kapag pakiramdam niya ay naaalagaan at komportable siya sa taong kinakausap niya.

Noong Mayo ay nag-viral ang video ni Andrea na nagbi-baby talk habang bumibili sa isang tindahan sa Siargao, kasama ang boyfriend na si Ricci Rivero.

Không có mô tả ảnh.

Dahil sa paraan ng pagsasalita ng Kapamilya young actress ay naging tampulan siya ng usapan sa social media.

May mga nagsabing hindi na akma sa edad niya ang mag-baby talk. Pero may mga nagsabi ring wala silang nakikitang mali, sa halip ay nakukyutan pa nga raw sila.

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ng veteran broadcaster na si Karen Davila, nilinaw ni Andrea ang dahilan ng viral baby talk na ito.

“Voice ko talaga siya. Pero hindi siya iyong napipili ko subconsciously.

Không có mô tả ảnh.

“Bigla na lang siya nagsi-switch. Kasi noong bata ako, kulang din ako sa pansin, kasi nga bunso ako.

“Hindi ako lumaki sa parents ko. Baby-baby talaga ako dati-dati pa,” pagbabahagi ni Andrea.

Ayon pa kay Andrea, may good at bad side ang nasabing pag-uugali niya.

“Minsan lalabas siya kapag ibig sabihin nun, komportable ako sa iyo or feeling ko may nakikita akong father figure sa iyo, or kuya figure, ate figure.

“Kasi lumaki rin ako sa broken family so wala akong masyadong father figure talaga,” saad ni Andrea.

Nakadagdag pa ritong maaga siyang naulila sa itinuturing niyang father figure, ang kanyang lolo.

“Kapag nakakakita ako ng ganun, lumalabas iyong pagka-baby talk ko kasi feeling ko maaalagaan niya ako.

“Minsan lumalabas siya kapag masyado akong excited or kapag masyado akong happy. Minsan lalabas din siya kapag hindi ako komportable sa tao, parang natatakot ako o nahihiya ako.

“Hindi ko talaga siya napipili. Minsan nari-realize ko na lang kapag inaasar na lang ako ng mga tao na doon ako nagbe-baby talk,” pagsisisiwalat ni Andrea.

Tinanong ni Karen si Andrea kung hindi ba siya nasasaktan pag napapansin ng iba ang tila ibang paraan ng kanyang pananalita at tono nito.

“Hindi, kasi kahit ako hindi ko rin maintindihan,” sagot ni Andrea.

“Bumabalik at bumabalik talaga siya.

“Nababago ko lang siya kapag may role ako kasi trabaho yun at saka kailangan.

“Feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala.”

BREADWINNER

Aminado si Andrea na laki siya sa hirap. Kaya naman sa murang edad ay nagbanat na siya ng buto para iahon ang kanyang pamilya sa hirap.

Pitong taong gulang lamang siya nang magsimula sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Pagtuntong niya ng sampung taon ay sinusuportahan na niya ang kanyang pamilya sa gastusin sa kanilang bahay.

Pagsisiwalat ni Andrea, “Tuition ko ako, tapos lahat pagkain, gamit, tax, electricity, lahat po… Lahat po sa akin yun.”

Bata pa lamang daw siya ay alam na niya kung gaano kahirap kumita ng pera.

Ang kanyang mga isinakripisyo raw ang dahilan kung bakit nawalan siya ng “childhood.”

“May mga dream school ako, as in gusto ko talagang school na, kaya ko naman, pero pag pumasok ako sa school na iyon, magugutom kami.

“Kaya isa-sacrifice ko na lang,” saad ni Andrea.

Sa mura ring edad ay napatayuan na ng bahay ni Andrea ang kanyang pamilya.

Lahad niya, “Yun po talaga pangarap ko talaga sa amin. Kasi nga maliit lang yung bahay na kinalakihan ko.

“Tapos puro lang kami lipat-lipat-lipat, wala talaga kaming sariling amin. Kahit kotse wala pa, puro rent, puro town house.

“Tapos sabi ko, gusto ko talaga ng sariling akin sa atin, gusto ko ng sarili lupa.

“After 10 years, nakabili na rin po ako ng bahay para sa amin.”

Labis din ang kanyang pasasalamat sa mga biyayang kanyang natanggap kabilang na ang pinagbidahan niyang teleserye na Kadenang Ginto, na isa sa dahilan ng pagbabago ng kanyang buhay.

Sa huli ay tinanong siya ni Karen kung ano pang pangarap niya sa kanyang career.

Sagot ni Andrea, “Sa ngayon, hoping lang po ako na sana yung career ko magpatuloy lang siya na pataas at magkaroon lang po ako ng trabaho.

“Hindi na ako masyadong nangangarap ng sobrang big, basta trust lang din sa sarili ko na kakayanin ko lahat ng ibibigay sa akin.”