Ano-ano ang dengue symptoms o warning signs?

Ano-ano ang dengue symptoms o warning signs?

Karamihan ng dengue cases ay walang sintomas o, kung mayroon man, ay mild lamang, ngunit nagkakaroon din ng severe cases na maaaring mauwi sa pagkamatay

MANILA, Philippines – Ang dengue ay isang viral infection na nakukuha ng tao mula sa kagat ng lamok.

Ayon sa World Health Organization (WHO), karamihan ng dengue cases ay walang sintomas o, kung mayroon man, ay mild lamang. Sa ganitong mga kaso, gagaling ang pasyente sa loob ng isa o dalawang linggo.

Kung mayroong sintomas, magsisimula ito apat hanggang 10 araw matapos makagat ng lamok, at magtatagal naman nang dalawa hanggang pitong araw.

Sabi ng WHO, ito ang mga karaniwang sintomas ng dengue:

Mataas na lagnat (40°C)
Matinding sakit ng ulo
Masakit na likod ng mga mata


Masakit na kalamnan at kasukasuan
Pagduduwal
Pagsusuka
Namamagang kulani
Rashes o namumula-mulang balat

Minsan, nagkakaroon din ng malalang kaso (severe cases) na maaaring mauwi sa pagkamatay.

Kadalasang nararanasan ang matitinding sintomas ng dengue matapos mawala ang lagnat, ayon sa WHO. Kabilang sa severe symptoms ang mga sumusunod:

Matinding sakit ng tiyan
Madalas na pagsusuka
Mabilis na paghinga
Dumudugong gilagid o ilong
Pagkapagod
Pagkabalisa
Dugo sa suka o dumi ng tao
Matinding pagkauhaw
Namumutla at malamig na balat
Panghihina

Gamot sa dengue

Ayon sa WHO, wala pang partikular na paraan ng paggamot sa dengue. Management of symptoms lamang ang ginagawa upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pasyente.

Para sa mild cases na puwedeng gamutin sa bahay, karaniwang ginagamit ang acetaminophen o paracetamol. Pinapayuhan ng WHO ang publiko na iwasan ang ibuprofen at aspirin kapag may dengue sapagkat maaaring pataasin ng mga ito ang tsansa ng pagdurugo.

Mahalaga rin ang pagpapahinga at pag-inom ng maraming tubig.

Kung nakararanas naman ang pasyente ng severe na mga sintomas, dalhin agad ito sa ospital.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News