Maris Racal, Anthony Jennings sinimulang i-cancel dahil sa isyung cheating
Kina-cancel na ngayon ng ilang netizen sina Maris Racal at Anthony Jennings dahil sa pumutok na isyung cheating.
Pinupulutan ngayon sa social media ang magka-loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings dahil sa isyung cheating.
Nauna rito, iniladlad ni Jamela Villanueva ang mga litrato at screenshot ng landian nina Maris at Anthony.
Hindi bet ng mga netizen ang nangyaring cheating kaya hirit na mga ito na i-cancel ang magka-loveteam.
Sey ng mga netizen:
“Hindi ko ma gets kung paano makakaya ni Maris Racal at Anthony na maging mal-bog at ipagpatuloy ang kalandian habang may taong alam nilang masasaktan. Ang lala nyo pareho. Mahigpit na yakap Jamela.”
“Maris is an example of a woman na napakahusay mag manipulate ng public. Nagpa-victim at umiyak-iyak when in rl siya naman pala itong nagcheat. Madami ng kagaya ni Maris cheater, manipulator, walang delicadeza.”
“Nothing more satisfying than exposing a cheater with undeniable proof. Truth always wins. Cancel Anthony Jennings and Maris Racal.”