mark anthony fernandez chloe san jose

Mark Anthony Fernandez denies posting a tweet saying that he is willing to be paired with Chloe San Jose, Carlos Yulo’s girlfriend, in a Vivamax project.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Fake news ang kumakalat na balitang payag si Mark Anthony Fernandez na makapareha si Chloe San Jose sa isang pelikula ng Vivamax.

Sinabi ni Mark sa Cabinet Files na walang katotohanan ang balita.

Ayon pa sa aktor, fake din ang social media account na gumamit ng kanyang larawan at pangalan na may pahayag na: “Kung papayag si Carlos Yulo, game ako diyan. Sino ba naming hindi, Chloe San Jose yan e.”

May hashtag itong “#VIVAMAX.”

mark anthony fernandez fake post
Si Chloe ang kasintahan ng two-time Paris Olympics 2024 gold medalist na si Carlos Yulo.

Dahil sa kanyang porma at mapangahas na social media posts, may ilang netizens na nagkomentong puwedeng-puwedeng magbida si Chloe sa mga proyekto ng Vivamax.

Nanawagan si Mark na maging maingat at mapagmasid ang publiko sa mga balitang lumalabas sa social media para hindi sila mabiktima ng fake news.

Idinagdag pa ng equally controversial actor na kapag tungkol sa kanya ang mga isyu, paniwalaan lamang ang mga balita na lumalabas sa GMA-7, TV5, PEP