Sa gitna ng mga usap-usapang bumabalot sa pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nagbigay ng payo si Mommy Dionisia Pacquiao, ang ina ng boxing legend na si Manny Pacquiao. Sa isang video message, pinayuhan ni Mommy D si Yulo na ipakita ang pagmamahal at paggalang sa kanyang ina, lalo na sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito.
Mommy Dionisia Pacquiao, may payo kay Carlos Yulo: “Mahal mo ang iyong ina”Source: Facebook
“Dong, Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo, wag kang magkimkim ng sama ng loob,” saad ni Mommy D. “Mahal na mahal ka sa mama mo, nanay mo. Mahalin mo siya. Mahal na mahal ka niya. Iyan ang payo ko sa iyo bilang nanay.”
Sa kabila ng mga tagumpay ni Yulo sa larangan ng gymnastics, kapansin-pansin ang kawalan ng kanyang pamilya sa ilang mahahalagang okasyon, tulad ng Heroes’ Welcome sa para sa mga atleta.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Nagpatuloy ang diskusyon online, kung saan pinagnilayan ng marami ang halaga ng pamilya at ang pangangailangang manatiling buo at nagkakaisa, lalo na sa harap ng mga pagsubok. Sa kabila ng lahat, nananatiling tahimik si Yulo hinggil sa mga isyung ito, at wala pang pahayag mula sa kanyang kampo tungkol sa mga sinabi ni Mommy D.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.