“Tapos na po ang issue.”

Ito ang bahagi ng maiksing reaksiyon ni Benjie Paras sa pagkakaayos ng dati niyang asawa na si Jackie Forster at ng dalawa nilang anak na sina Andre, 22, at Kobe Paras, 20.

“So, iyon po, narinig niyo na po sa kanila, we’re all happy,” dagdag pa ni Benjie sa kanyang pahayag.

Ipinahayag ito ng aktor pagkatapos ilahad nina Andre at Kobe ang kanilang saloobin sa pagbabati nila ng kanilang ina.

Ayon sa magkapatid, pagpapatawad ang naging susi sa muling pagkakasundo nila.

Jackie Forster lashes out at her sons' stepmother: "How dare you, Lyxen, think you can take my place!" | PEP.ph

Benjie Paras airs his side on visitation rights of ex-wife Jackie Forster |  PEP.ph12 estranged showbiz couples: Where are they now? | GMA Entertainment

Sa eksklusibong panayam ng GMA News Online ngayong Miyerkules, May 9, sinabi ni Kobe na maraming bagyo ang pinagdaanan ng kanilang pamilya, ngunit dumating daw sa puntong unti-unti nilang niyakap ang pagpapatawad.

Sabi pa ni Kobe, “At least now, we’ve realized that we’re grown and we’ve been through a lot na.

“You know, it’s time to forgive our mom. At least, we’re all happy.”

Ayon naman kay Andre, nag-mature na silang magkapatid kaya hinayaan na sila ng kanilang ama na gumawa ng sarili nilang desisyon.

Aniya, “Like what Kobe said, we’re more mature now and it’s our decision naman nung bata kami, you know.

“Dad was also there to respect our decision. So now, I believe it’s the right age, 20 and 22, mature na po kami.”

Pinasalamatan din ng dalawa ang kanilang stepmother na si Lyxen Diomampo dahil naintindihan daw nito ang kanilang desisyon.