Rosmar kay Chloe: “Di na niya kasalanan na sobrang proud sa kanya boyfie niya”

Maging si Rosmar Tan ay nagbigay ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Rosmar kay Chloe: "Di na niya kasalanan na sobrang proud sa kanya boyfie niya"Rosmar kay Chloe: “Di na niya kasalanan na sobrang proud sa kanya boyfie niya” (Chloe Anjeleigh San Jose/ Rosemarie Tan Pamulaklakin)
Source: Facebook

Ito ay matapos na mapansin ng publiko si Chloe na lagi umanong kasama ni Carlos maging sa mga interview nito na dapat ay mag-isa lamang umano siya.

Tila hindi rin nagustuhan ng ilan na maging sa opisyal na pahayag ni Carlos patungkol sa sitwasyon nila ng kanyang ina ay naroon pa rin sa video si Chloe.

“Di na ni ya kasalanan n sobrang proud sa kanya boyfie niya kaya kahit anong achievement nya katabi nya gf niya,” pahayag ni Rosmar.

“Maski ako kahit saan ganap lagi ko katabi kasama asawa ko. Same sa kanya lagi lang din ako sa tabi nya,” dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan Pamulaklakin ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.

Naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar at Rendon Labador ng Team Malakas. Doon, naidetalye ni Rosmar ang mga isyung kinaharap nila sa pagiging persona non grata nila sa Palawan. Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay. Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.

Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News