Julia Montes rumored to be pregnant with second child with Coco Martin

Hindi pa rin namamatay ang isyung buntis umano si Julia Montes sa ikalawang anak nila ni Coco Martin.

Base ito sa comments ng mapanuring netizens na napansing tila may baby bump si Julia sa latest photos nito.

Present si Julia sa thanksgiving party ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na ginanap noong August 14, 2022.

Gumanap na mag-ina sina Julia at Sharon Cuneta sa katatapos na long-running prime-time series ng Kapamilya Channel.

 

Ngayong Miyerkules, August 17, 2022, nag-post si Sharon ng group pictures mula sa okasyon.

Julia Montes and Sharon Cuneta and Coco Martin

Ayon sa netizens, kapansin-pansin na tila nakatakip ang kaliwang kamay ni Julia sa bahagi ng kanyang tiyan.

Makikitang all-black ang outfit ni Julia na blazer, top, at pants kaya waring disimulado ang pangangatawan nito.

Nag-iwan ito ng palaisipan kung ito raw ba ang dahilan kung bakit biglang nawala ang character ni Julia sa Ang Probinsyano noong June 2021. Muli lang nasilayan si Julia sa huling eksena sa finale ng show.

Sa comments section ng Facebook post ni Sharon, may ilang netizens ang pumansin sa hinihinalang pagdadalantao ni Julia.