Manila, Philippines- Looks like marami ang hindi boto kay Chloe San Jose para kay Carlos Yulo.

Still, anuman ang dahilan ng mga anti-Chloe, the fact remains na hindi natin saklaw ang damdamin ni Carlos.

Kahit pa mismong ina ng Paris Olympics gold medalist na si Angelica cannot do anything about it.

From the looks of it naman ay obyus ang kasiyahan ni Carlos sa piling ni Chloe, kaya who are we para hadlangan ang kaligayahan ng gymnast?

Dahil nga hindi bet ng marami si Chloe for Carlos ay may nagrereto kay Andrea Brillantes.

🔴ANDREA BRILLANTES AT CARLOS YULO MAGKASAMA SA LARAWAN.. SIGAW NG NETIZEN  MATAKOT KA NA CHLOE ‼️

Baka raw ang suwerte ng aktres sa pag-ibig ay wala sa isang basketbolista, kundi sa isang gymnast.

Carlos Yulo asked about showbiz crush, “Si Blythe po." | PEP.ph

Obyus na si Ricci Rivero na ex-boyfriend ni Andrea ang tinutukoy ng mga shippers.

Umabot na nga ang kanilang wish to the point na okey lang daw na mag-break sina Carlos at Chloe nang dahil kay Andrea.

Pag nagkatuluyan daw sina Carlos at Andrea’y mapapatawad na raw nila ang aktres sa pagiging “third party” kaya naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngayon pa nga lang ay may naisip na ang mga shippers na itawag sa kanila–“CalBlythe.”