Isinailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa pinsala na dulot ng bagyong Carina at habagat.
Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office(PDRRMO), umaabot sa 140,000 na residente ng lalawigan at P1,011,405,521.51 ang pinsala sa impraestraktura at agrikultura ang nasari sa pagbaha at malakas na pag-ulan.