Nikko Natividad, nagsalita kaugnay sa palaro ni Donnalyn Bartolome

– Nagsalita si Nikko Natividad kaugnay sa akusasyong nandaya siya sa palaro ni Donnalyn Bartolome

– Mariin niyang itinanggi ang pandaraya at sinabi na hindi malinaw ang mga patakaran ng laro

– Binanggit niya na huli ng halos apat na oras ang isang kalahok ngunit pinayagang sumali pa rin

– Nilinaw din niya ang isyu sa kanyang pag-upo at pag-inom ng tubig sa gitna ng laro

Nagbigay ng pahayag si Nikko Natividad matapos ang kontrobersyal na palaro kasama si Donnalyn Bartolome. Mariin niyang pinabulaanan ang mga akusasyon ng pandaraya na ibinato sa kanya.

Nikko Natividad, nagsalita kaugnay sa palaro ni Donnalyn Bartolome

Nikko Natividad, nagsalita kaugnay sa palaro ni Donnalyn Bartolome (Donnalyn | Facebook) Source: Facebook

“Hindi ako nandaya. Nagagalit kayo na hindi ako nagsabi na ginulat ako? E nakita ng mga staff (police), DIBA DAPAT SILA ANG NAGSABI nun dahil yun ang trabaho nila.”

Ayon kay Nikko, ang mga staff ng laro o kahit ang mismong mga kalaban niya ang dapat nagsabi tungkol sa insidente, kaya’t nagtataka siya kung bakit siya ang sinisisi. “Sobrang gulo ng laro, rules and everything. Madaming hindi patas sa challenge mula umpisa,” dagdag niya.

Ipinahayag din ni Nikko na hindi siya galit dahil sa hindi niya pagkuha ng premyong sasakyan, kundi dahil sa pakiramdam na siya ay pinagtutulungan at inaatake ng mga tao na akusahan siyang nandaya. “Kung ibabacktrack nyo umpisa palang ng laro, almost 4 oras late si queen dura. Tinanong kami kung papapasukin pa namin siya. Humindi kami kasi unfair sa amin lahat yun,” aniya.

Tinalakay din niya ang isyu sa kanyang pag-upo sa laro, na nagbigay-diin na hindi siya umuupo kundi nag-i-stretching lamang. “Paano naman ako makakaupo e hindi aabot pwet ko sa sahig sa layo ng kamay ko?” dagdag niya. Tungkol naman sa pag-inom ng tubig, nilinaw ni Nikko na hindi ito bawal. “Umiinom daw ako ng tubig pag may ihi break kami na 3 mins. Yes, pwede po yun, staff pa nga nila nag-aabot tubig sa amin.”

Nilinaw din ni Nikko na hindi siya galit at wala siyang sinasabi na hindi dapat nanalo si Queen Dura. Gusto lang daw niya linawin na hindi siya nandaya.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News