Chloe sa blind item ni Ogie: Hindi ako ‘yan!
PINABULAANAN ni Chloe San Jose na siya ang tinutukoy ni talent manager at vlogger Ogie Diaz sa blind item nito ukol sa isang maarteng influencer.
Matatandaan na shinare ni Ogie sa Facebook ang karanasan niya sa hindi-pinangalanan na influencer na sumobra umano ang pagiging diva.
Kuwento ni Ogie:
“Minsan, na-shock si Make Up Artist. Kasi me mine-make apan siyang isang influencer.
“Di ko kinaya yung pindot nang pindot ng celfone ang lola mo habang mine-make apan. Okay lang naman yon. Ang di ko kinaya, gusto mo yung habang minemeyk-apan mo, sinusubuan siya ng PA? Kasi nga, celfone nang celfone! Ayaw ibaba!
“Juice ko, ba’t ba ganyan ang ibang influencers? Sumikat lang sa digital, parang daig pa ang totoong artista na nagsimula talaga sa pinakababa, pero hindi naman ganyan ang asta?
“Eto din yung nakita na ako sa isang event, gusto pa yata niya, siya lalapitan at babatiin ko. Ngumiti na ako, di man lang sinuklian ng ngiti.
“Baka nahihiya lang sa yo, Mama Ogs,” sabi ng make up artist.
“Kung ano-anong kagag*han ang kino-content mo, mahiyain ka sa personal? Di ko gets.
“Anyway, baka nga ganon talaga siya, kaya imbes na mabuwisit eh deadma na lang. Hehehe.”
Pinanindigan naman ni Chloe na hindi siya ang bida sa post ni Ogie.
“A lot of people mentioning me na ako raw ‘yun. Firstly, wala po akong PA. Secondly, I do my own makeup. And thirdly po, I’ve never met Mr. Ogie Diaz in person,” sabi niya.