Kinagiliwan sa naging episode ng “Kaloklike” sa “It’s Showtime” nitong Miyerkoles ng tanghali ang tila muling pagkikita ng ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kapwa parehong contestant ng segment sina Jerome David at Marielle Joyce Mendiola na tumayong ang mga kalokalike nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dito, nagkaroon ng pagkakaon na muling mag-usap sa harap ng madlang people ang mga ‘Kalokalike’ ni Bernardo at Padilla na tila masaya na sa kani-kanilang mga buhay.

Sa kanilang pag-uusap, nahingan ng mensahe ang mga “Kalokalike” contesant sa bawat isa.

“Hello, Love Goodbye,” tugon ng “Kalokalike” ni Padilla.

Tugon naman ng “Kalokalike” ni Bernardo: “Masaya ako para sa’yo”.